Bossing pumayag makipag-collab kay Kim, bongga ang mga rebelasyon: ‘First time po kitang nakasama pero parang ang tagal na nating magkakilala’

Bossing pumayag makipag-collab kay Kim, bongga ang mga rebelasyon: 'First time po kitang nakasama pero parang ang tagal na nating magkakilala'

Vic Sotto at Kim Chiu

ANG bongga ng interview ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa TV and movie icon na si Bossing Vic Sotto para sa kanyang YouTube channel.

In fairness, maraming naaliw, natuwa at na-inspire sa naging chikahan nina Bossing at Kim lalo na sa mga inihanda niyang pa-games para sa bonggang-bonggang entry sa kanyang vlog.

Maraming napag-usapan ang dalawa sa nasabing panayam, kabilang na riyan ang usapin hinggil sa politika. Natanong ni Kim si Bossing kung naiisip din ba nitong tumakbo sa anumang government position.

“Hindi,” mabilis na sagot ng asawa ni Pauleen Luna. Patuloy niya, “Although si Tito Sen nasa pulitika. ‘Yung isang anak ko nasa pulitika. Pero ako, marami nang nagtanong sa akin kung interesado ako kahit na nu’ng araw pa, even before na makapasok sa politika si Tito (Sotto).”

“Sa akin naman, pwede ka namang maging public servant na hindi ka namumulitika. Never kong in-entertain. Okay na akong ‘Ra Ra boys’ lang, alalay lang, tagakampanya lang,” dagdag pang tugon ni Bossing.

Sa question naman ni Kim kung sino ang pinakaayaw niyang artista o celebrity, “Lahat kaibigan ko kasi. Wala akong sasabihing ‘Hindi ko siya type.’

“Siguro hindi ko type ang acting niya pero it doesn’t mean na hindi ko type ‘yung pagkatao niya. Lahat naman tayo magkakaibigan,” paglilinaw ng veteran TV host.

Baka Bet Mo: Vic kakaririn ang pagbabalik-pelikula para sa MMFF 2023; umamin kung ano ang madalas nilang ‘pagtalunan’ ni Pauleen

Diretsahan ding inusisa ng Kapamilya actress kung magkano ang kinikita o tinatanggap na talent fee ni Bossing Vic sa kanyang mga proyekto bilang aktor,  komedyante at TV host.

“Sakto lang, komportable lang sa buhay. Through the years naman, palaki ng palaki ‘yun. Siyempre tumataas din ang cost of living ng mga Pilipino, so sumasabay lang yun. Basta komportable lang,” sey pa niya.

Samantala, kung may isang ugali raw na gusto ni Bossing na manahin ng anak nila ni Poleng na si Tali, yan ay ang pagiging pasensiyoso.

“Siguro ‘yung pagkapasensyoso. Siguro sa buhay, kailangan patient ka. Hindi lahat ng gusto mo, ibibigay ng Panginoon o ng tadhana.

“Kapag hindi mo nakuha, you have to be patient na siguro balang araw, dadating. Kung hindi man, may rason ‘yun.

“It’s one virtue na gusto kong matutunan ni Tali. Sa ngayon impatient, eh. Kapag matagal ‘yung pagkain, umiinit ang ulo eh,” ang natatawang pagbabahagi pa ni Vic kay Kim.

Kinilig naman ang girlfriend ni Xian Lim nang sabihin ni Bossing na ang itinuturing niyang “most valuable” gift na naibigay niya sa asawang si Pauleen ay ang kanyang unconditional love.

Marami namang natuwa at naaliw sa pakikipag-collab ni Bossing kay Kim kahit pa nga magkalaban ngayon ang kanilang noontime show, ang “E.A.T.” nina Tito, Vic & Joey sa TV5 at ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Hirit naman ni Kim sa bandang ending ng kanyang very special vlog with Bossing, “First time po kitang nakasama pero parang ang tagal na nating magkakilala.”

Bossing Vic pinanood ang bagong ‘Eat Bulaga’: ‘OK naman, siguro after 44 years mas gagaling pa sila’

‘Pagkamatay’ ni Bossing Vic na naka-post sa isang FB account fake news!

Read more...