MC Muah, Vice Ganda at ang lalaking contestant na may 12 anak
KAHIT idinaan sa biro ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, ramdam na ramdam pa rin ang panggigigil nito sa isang contestant sa “It’s Showtime.”
Habang iniinterbyu ni Vice ang male contestant kasama ang co-host niyang si MC Muah ay napag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng maraming anak.
Inamin ng lalaki na umabot na sa 12 ang naging anak niya sa iba’t ibang babae kaya naman na-shock ang TV host at napagsabihan ang contestant.
Baka Bet Mo: Gardo Versoza idinaan sa biro ang balitang ‘pumanaw’ na siya
“Parang isang basketball team. Ito yung mga Pilipinong sumusunod kay Sen. Bato (dela Rosa) na magparami raw ng population para maghati-hati sa utang ng Pilipinas. At isa ka sa mga sumunod,” ang natatawang sabi ni Vice sabay kunwari’y kinurot at hinampas ang kaharap na contestant.
Sabi ng lalaki, nasa pangangalaga niya ang walo sa kanyang mga naging anak sa huli niyang nakarelasyon habang nasa mga dati niyang partner ang natitirang apat.
Paalala ni Vice, hindi tama ang mag-anak ng marami kung hindi naman kayang mabigyan ng mga magulang ang mga ito ng maayos at magandang buhay, “Masama ang magpunla ng iba’t ibang pananim sa iba’t ibang lupain!”
“Mayaman ka ba kuya?” sundot na tanong ni Vice na sinagot naman ng contestant ng, “Hindi po.”
“Yun naman pala, e! Kapag mahirap wag na masyadong maraming anak kawawa yung mga bata kung hindi mo mabibigyan ng magandang-magandang buhay,” sabi ni Vice Ganda.
Katwiran naman ng lalaki na-in love lang siya at siya naman daw ang iniwan ng mga babaeng nakarelasyon niya. Sa ngayon daw ay ang mga nanay ng kanyang mga anak ang nagpaaral sa mga ito. Dose ang anak mo, ang hirap-hirap ng buhay.
“Naku, walang ganu’n-ganu’n na dahilan. Mali yun! Wala kang kwentang lalaki. Pumunla ka ng 12 anak tapos yung mga asawa ang pinag-aaral mo. I don’t like you,” hirit pa ni Vice sabay baling sa next contestant.
Michael Pangilinan sinita, biro sa estudyante na ‘para makagawa tayo ng baby’ hindi nagustuhan ng netizens
Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating