Anak ni Yasmien Kurdi biktima ng ibang level ng pambu-bully sa school, palaging paalala kay Ayesha: ‘Maging mabait ka lang lagi at maging humble’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Yasmien Kurdi, Ayesha Zara at Rey Soldevilla
SA murang edad ay nabiktima na rin ng cyberbullying ang anak ni Kapuso actress Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara na kagagawan ng kanyang mga classmates sa pinapasukang school.
Naikuwento ito ni Yas sa ilang members ng entertainment media sa naganap na online mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “The Missing Husband” last August 22, kasama sina Rocco Nacino at Nadine Samonte.
“My daughter recently experienced bullying, to the point na ginawan siya ng ‘Ayesha Hates Love’ online, yung ganu’ng level.
“Pero siyempre ako, bilang mommy, ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya. Pero buti na lang, isa sa mga best friend ng anak ko.
“Dahil nagre-recruit itong student sa ‘Ayesha Hates Love,’ so ang ginawa ng best friend niya, binago ang name into ‘Ayesha Fans Club,’ ganu’n,” pagbabahagi ni Yasmien.
Patuloy pa ng aktres, “So, mabait itong best friend niya, sobrang love ko. Buti na lang may mga ganu’ng friends. Yung mga totoong friends mo talaga.”
Napakasakit nga naman para sa mga magulang na ma-bully ang kanilang mga anak lalo na kung wala namang ginagawang masama at kasalanan ang mga ito sa kanilang mga kaklase o kalaro.
“Si Ayesha, she’s a very positive person. Natutuwa ako sa bata kasi she’s very strong. Sabi niya nga, ‘Hayaan mo na, Mama.’ Pero sabi ko nga, ‘No, hindi siya puwedeng hayaan.’
“Kasi, yun ang mga bagay na dapat malaman ng parents nila, malaman ng school. Kasi, hindi siya maganda,” mariin pang sabi ni Yas.
“Okay naman na, settled naman na ngayon. Tina-try kong iwasan siya sa mga ganon para hindi niya ma-experience at a young age,” sabi pa niya.
Sa mga ganitong pagkakataon, ipinaliliwanag ni Yasmien sa anak kung paano i-handle ang mga bully o bashers, “Sabi ko nga sa StarStruck, you cannot please everybody. Sabi ko, kapag marami kang fans, marami ka rin bashers.
“So, you know, yan ang reyalidad ng buhay. You have to be strong,” ani Yasmien.
Ang palagi raw niyang paalala kay Ayesha, “So, maging mabait ka lang, maging humble ka lang sa mga tao sa paligid mo, wala kang naagrabyado. Basta hindi ikaw yung mam-bully, okay na ako du’n.”
Paniniguro niya sa anak, “Basta ako, palagi akong nandito. Basta alam kong tama ang anak ko, I’ll always fight for her.
“Pero kapag alam ko na mali ang anak ko, ako po mismo ang magso-sorry at mag-a-apologize sa parents. Pero, hindi kasi maganda na yung anak ko, naka-experience siya ng cyberbullying, hindi siya healthy,” sey pa ni Yasmien.
Nauna rito, ibinahagi rin ni Yasmien na patuloy na lumalaban ang kanyang nanay sa sakit nito at kailangan itong sumailalim sa kidney transplant. Naghihintay pa rin sila until now ng kidney donor.
Abot-langit naman ang pasasalamat ni Yas sa kanyang pamilya, lalo na sa asawang si Rey Soldevilla, “Right now, I really appreciate him because sa pinagdadaanan ko ngayon, sa health problem ni Mama, he’s here for me.
“Unlike before kasi, naranasan ni Mama ang health problem, I was alone during that time. Wala pang asawa. Pero ngayon, naa-appreciate ko na meron akong asawa and family. Ang dami kong karamay, ang dami kong kasama.
“Even my network, napi-feel ko yung support, yung love, even the people na outside. Yung mga ganitong pagsubok, nabibigay nila ang support at love,” aniya pa.
Samantala, mapapanood na ang “The Missing Husband” sa August 28, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.