Neri Naig may kakaibang gimik sa bagong events place, ano kaya yun?

Neri Naig may kakaibang gimik sa bagong events place, ano kaya yun?

PHOTO: Instagram/@mrsnerimiranda

PAGDATING sa negosyo, wais talaga ang dating aktres na si Neri Naig.

Paano ba naman kasi, may kakaibang diskarte siyang naisipang ilagay sa bago niyang events place.

Ibinandera niya sa social media na maglalagay na rin siya ng tindahan sa loob nito.

“Magkakaroon na kami ng sarili naming convenience store sa pinapatayuan naming bagong events place,” masayang anunsyo ni neri sa kanyang Instagram.

Paliwanag niya, “Para hindi na talaga mahirapan pa mga guests kapag may kailangan sila. Walking walking na lang sa garden papuntang store.”

Baka Bet Mo: Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento…

Kasabay nito ay nanawagan siya sa mga interesadong magbenta ng kanilang produkto para sa ipapatayong convenience store.

“Kaya kung sino po ang may mga products diyan na gusto itinda sa convenience store namin, mag email lang po sa akin mrsnerimiranda@yahoo.com,” caption ng misis ni Chito Miranda.

Excited ding ibinalita ni Neri na pwede nang mapasyalan ang bago nilang events place sa darating na Disyembre.

Wika niya, “Matatapos po ang bagong events place namin this December na po. Kaya excited na kami na mapasyalan ninyo soon!”

“6,000 sq m po ang laki, may dalawang villas, may kanya kanyang bathroom at syempre public restroom, may big kitchen din para sa mga caterers,” paglalarawan pa niya kung ano meron sa kanilang lugar.

Bukod sa magiging events pace ito, nabanggit din ni Neri na magsisilbi rin itong bahay bakasyunan nilang pamilya.

“Kapag walang guests, diyan ang bagong bakasyunan namin at magiging studio ng Pamilya Miranda sa mga endorsement shoots at syempre pwedeng rentahan ng iba pang brands kahit di kami ang endorsers [red heart emoji],” lahad ng dating aktres.

Aniya pa, “Kaya hintayin niyo ang tour ng Pamilya Miranda this December! Excited na ako!”

Libo-libong netizens naman ang napa-comment sa post ni Neri at ang ilan sa kanila ay nagpahiwatig ng pagkabilib.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming mga komento:

“Congrats naman po [clapping hands emojis] iba po talaga kayo loding lodi [happy face with heart eyes emoji].”

“Eto yung talagang lodi sa negosyo! [red heart, fire emojis]”

“You’re an inspiration to a mom like me. Kahanga-hanga ang diskarte mo! [red heart emojis]”

Related Chika:

Neri, Chito 7 years nang kasal: You are the best dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa!

Read more...