SABAY na ipinagdiwang ng dating mag-asawa na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano ang birthday ng kanilang anak na si Sam.
Sa Instagram, ibinandera ni Sunshine ang ilang pictures nila ni Cesar kasama ang kanilang tatlong anak na nagkaroon ng birthday dinner.
Makikita rin na present sa okasyon ang partner ng aktor na si Kath Angeles, pati na rin ang ilan pa nilang kaanak at mga kaibigan.
Ayon pa kay Sunshine, maaga silang nag-celebrate dahil may trabaho sila ni Cesar sa mismong araw ng birthday ni Sam.
“Celebrated @samcruzm’s 19th birthday in advance since both Cesar and I will be out of the country on the 24th,” sey ng aktres sa post.
Pagbubunyag pa niya, “I will be in Australia while Cesar will be in Canada for work.”
“‘Di bale we will make it up to you soon anak. I hope you enjoyed last night’s dinner. We love you so much Sam! Happy 19th Birthday in advance! [birthday cake, red heart emojis],” wika pa niya.
Baka Bet Mo: Cesar excited makita ang apo kay Diego; hiling sa 3 anak kay Sunshine: ‘Magtapos ng pag-aaral bago magpamilya’
Bukod sa mga pagbati, maraming netizens ang muling pumuri sa magandang relasyon nina Sunshine at Cesar pagdating sa co-parenting.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Ang ganda niyong tingnan na kahit may separate lives na kayong dalawa ni Cesar ay pwede ring magkasundo para sa mga anak niyo. Alam ko nagiging inspirasyon kayo at magandang halimbawa sa mga separated couples lalo na kung may mga anak. More blessings will come because you have a forgiving heart [folded hands emojis].”
“Miss Shine! God bless your heart. Healthy relationships for the benefit of your children are vital to their growth. No bitterness for bitterness.”
“Who would have thought this would happen? The separation was ugly but all turned out well. I watched your interview with Korina and I admired your forgiving heart and strength. Such a good role model.”
Related Chika:
Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama