Nadine Lustre na-bad trip sa nagsabing cheater ang dyowa: ‘Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? Di ko kaya backwards mentality mo teh!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Christophe Bariou at Nadine Lustre
BINASAG ng award-winning actress na si Nadine Lustre ang mga taong nagbibigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ng boyfriend niyang si Christophe Bariou sa ibang babae.
Nabwisit ang dalaga sa mga nababasa niya sa social media tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend, partikular na ang tsismis na niloloko raw siya nito at nakikipaglandian at nakikipag-flirt sa ibang girls.
Isang netizen na may handle na @satorreedgar ang nagpakalat umano ng balita sa pagiging unfaithful daw ng dyowang French-Filipino businessman ni Nadine base na rin sa comment nito sa post ni Christophe.
Sa kanya namang X account (dating Twitter), sinupalpal ni Nadine ang naturang netizen. Talak nito, “Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese.”
Isa pang X user ang nagbigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ni Christophe sa ibang babae at inakusahan pa itong cheater.
Resbak sa kanya ni Nadine, “How rude and offensive. Lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean Im cheating.
“Di ba siya pwedeng magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh,” aniya pa.
Kahapon, nagbahagi rin siya sa kanyang X account para ibandera ang saloobin tungkol sa mga taong nakikipagkaibigan sa opposite sex kahit may mga dyowa na.
“Normalize girls having guy friends. Normalize guys having girl friends,” sey ni Nadine.
Para naman sa mga taong tumawag sa kanya ng tanga, “In complete awe that some of ‘my fans’ actually called me ‘tanga’ in their gc just cause they think they can live my life better than I can.
“Also the same people that send chismis to others. grateful the real ones never engage with their (b*llsh*t) tbh.
“Also pls don’t come at me with your self righteous + condescending lecture if you believe in chismis. It’s toxic (as f***),” dagdag pa niya.
Matatandaang ibinandera nina Nadine at Christophe ang kanilang relasyon noong January, 2022. Nagsimula ang kanilang love story nang magsimulang manirahan ang aktres sa Siargao Island kung saan naka-base ang kanyang boyfriend.