Gela Atayde pinaiyak ni Sylvia Sanchez sa presscon, binalaan sa pagpasok sa showbiz: ‘Kapag ‘di ka magaling umarte, bubugbugin kita…pero joke lang po yun’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Gela Atayde, Sylvia Sanchez, Xavi Atayde at Art Atayde
HINDI napigilan ng showbiz royalty na si Gela Atayde ang mapaiyak nang mapanood ang video greeting ng kanyang inang si Sylvia Sanchez.
Naging emosyonal ang dalaga sa pagharap niya sa ilang miyembro ng entertainment media para sa presscon na in-organize ng kanyang talent management na Star Magic.
Ito’y para nga sa pagwawagi niya sa World Hip-Hop Dance Championship na ginanap kamakailan sa Phoenix, Arizona at ang pagsabak niya finally sa larangan ng pag-arte sa pamamagitan ng una niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “Senior High”.
Tumulo ang luha ni Gela nang mapanood ang pagbati ng ina niyang si Sylvia kung saan nangako ito na patuloy siyang susuportahan sa lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay, kabilang na ang kanyang pag-aartista.
Makakasama ni Gela sa seryeng “Senior High” si Ibyang at very close to her personality daw ang karakter niya rito. Ka-join din sa “SH” ang isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Kyle Echarri at ang anak-anakan ni Sylvia na si Andrea Brillantes.
“Being part of a family that is passionate about acting has played a huge role in opening my eyes to the beauty of the craft.
“I am really grateful to all those who paved the way for me to tick another goal off of my bucket list.
“Senior High is really gonna be special for me, not only because it’s my first acting gig but also because I’m sharing the camera with my mom,” sabi ni Gela sa naganap na presscon last Saturday, August 19.
Handa na rin si Gela sa mga haharaping challenges sa pagpasok niya sa showbiz, “Pinakamatapang, mas palaban that’s what my Mom would say nga po. I think yes, I would say in terms of emotion mas straightforward po ako.
“I’m more frank and honestly that’s one of my fears po na in showbiz baka po I’m too frank naman po kasi I guess in terms of us siblings (Ria and Arjo) I would say ako po ‘yung pinakaprangka and pinaka-real. Hindi po ako takot magsalita,” pahayag ni Gela.
Isa sa mga palaging paalala sa kanya ni Ibyang ay, “She always reminds me po na to tone it down and kasi of course there’s a lot of things, subject to misinterpretation so yes and I understand that very well na po.”
Hindi rin itinago ni Gela ang nararamdamang pressure ngayong nag-aartista na rin siya dahil nga sa galing at husay ng kanyang nanay at mga kapatid pagdating sa aktingan.
“Yes, super laking pressure. My mom nga po, she jokes me. She says, ‘Pag ‘di ka magaling umarte, bubugbugin kita’. Ha-hahaha! Pero joke lang po `yon.
“But so far, so good naman. I think it helps me work even harder, kaya nga mas lumalapit ako sa mga direktor namin na every time may scene tinatanong ko kung okay lang ba, and also my mom, nilalapitan ko talaga siya.
“Kasi mas gusto ko na manggaling sa kanya kesa marinig ko pa sa iba, kung may mga negative man akong ginawa,” chika pa ni Gela Atayde.