Chito walang pinagsisihan sa mga sablay sa buhay: ‘Nu’ng nagkapamilya ako, binago ko na yung lifestyle ko… ayoko silang iwan nang maaga’

Chito walang pinagsisihan sa mga sablay sa buhay: 'Nu'ng nagkapamilya ako, binago ko na yung lifestyle ko... ayoko silang iwan nang maaga'

Neri Miranda at Chito Miranda

COOL na cool na sinagot ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang isang netizen na matapang na nagtanong sa kanya tungkol sa mga nagawa niyang “pagkakamali” noon.

Nagkomento ang isa niyang follower sa Facebook nang mag-post siya ng litrato ng kanyang healthy breakfast nitong nagdaang araw mula sa isang buffet restaurant.

Aniya sa caption, “Hindi pahabaan…kundi, pasarapan.

“Kahit ang sarap sana mag bacon and eggs with garlic rice, tapos may pork breakfast sausages…dito na lang muna ako sa steamed chicken chipolata with veggies.


“Tapos kahit may champorado with danggit at dilis, I opted to have the miso soup. Tapos cucumber smoothie instead na hot chocolate.

“Ayus na…sobrang sarap pa rin hehe!

“Nu’ng nagkapamilya kasi ako, binago ko na yung lifestyle ko…kasi gusto ko sila alagaan ng pinakamatagal na pwede, at ayoko sila iwan ng maaga.

“I need to be healthy for them…not just me. Nag-quit ako mag-yosi 7yrs ago (as in quit…hindi ‘cut down’).

“Di na rin ko masyado umiinom, and when I do, hindi na basagan…yung sakto at chill lang (masaya pa rin hehe!)

Baka Bet Mo: Anne Curtis ‘hot momma’ pa rin sa edad na 38, binati ni Jasmine: You are what I am most grateful for in life

“Nage-exercise din ako regularly (biking, walking, at gym every morning).

“Tapos, I always try my best to eat healthy (buti meron healthy options dito sa breakfast buffet ng @bhotelalabang)

“Palagi kong sinasabi dati na hindi pahabaan ng buhay ang laban…kundi pasarapan…pero pag may pamilya’t mga anak ka na, magbabago talaga priorities mo and mag-iiba yung batayan mo ng kasiyahan.


“Enjoy pa rin dapat ang buhay…pero mas ingat lang kasi may mga inaalagaan ka na…na higit pa sa sarili mo.

“Langya…nag-breakfast buffet lang, ang dami nang sinabi,” ang kabuuang pahayag ng OPM rock icon at “The Voice Generations” coach.

Sa comments section, may diretsahang nagtanong kay Chito ng, “Idol… nagsisi po ba kayo sa mga maling nagawa mo noon at humingi ng tawad sa Diyos?”

Sagot ng singer-songwriter sa kanya, “Hahaha nope…wala akong pinagsisihan.

“Pero nagpapasalamat ako everyday kasi ako, at ang kinalalagyan ko ngayon, ang bunga ng lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, maganda man o hindi,” dugtong pa ng husband ni Neri Miranda.

Bwelta ni Heart sa nagtanong kung bakit wala pa siyang anak: Ayoko, e! Chill, not your uterus!

Kilalang female star malalim ang hugot, tumangging makatambal ang aktor sa bagong pelikula

Read more...