Kilalang female star malalim ang hugot, tumangging makatambal ang aktor sa bagong pelikula | Bandera

Kilalang female star malalim ang hugot, tumangging makatambal ang aktor sa bagong pelikula

Reggee Bonoan |November 29,2021
facebook
share this

Kilalang female star malalim ang hugot, tumangging makatambal ang aktor sa bagong pelikula

Reggee Bonoan - November 29, 2021 - 04:56 PM

MAY nagtanong sa amin kung totoo kayang mahal ng aktres ang kanyang non-showbiz boyfriend o display lang para masabing may karelasyon siya.

Hindi naman kasi kami interesado sa aktres kaya sabi namin sa nagtanong, “Kung anuman ang drama niya, e, bahala na siya sa buhay niya.”

Pero may dahilan pala ang nagtanong dahil itong si aktres pala ay may sama ng loob sa aktor na kaibigan ng dati niyang karelasyon bago itong dyowa niya na non-showbiz guy.

“Nagtaka lang kasi ang production kasi may movie offer kay ____ (aktres) kasama si ____ (kaibigan ng dating dyowa) at bongga ang direktor, pero tumanggi ang lola mo.

“Walang ibinigay na reason, eh. Sabi lang niya after ng drama series niya, magpapahinga muna siya. Hindi naman kasi uso now ang lagare di ba, kasi lock-in shoot lahat, so ayaw niya ng sabay gawin kaya magpapahinga raw muna siya after ng serye niya.

“Nalaman ang totoong dahilan nu’ng naikuwento ni _____ (aktres) doon sa common friend namin na ayaw niya palang makasama si ____ (aktor na kaibigan ng dating dyowa).

“Tanong nga ng lahat, ano naman ang kinalaman ni ____ (kaibigan ng dating dyowa) sa gusot ng ex niya?  Hindi naman sila pinakialaman noon?” kuwento pa ng aming kausap.

Dagdag pa, “Hindi pa ba siya nakaka-move on? Bakit nandamay?  Kawawa naman ‘yung boyfriend niya now. Buti na lang non-showbiz kaya baka walang alam.”

Tsinek kaagad namin ang social media accounts ng aktres at iilan lang ang ipinopost niyang larawan na kasama ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Naniniwala naman kami na kapag nagtagal na ang kanilang pagsasama ay made-develop din si aktres sa kanyang partner, hindi lang niya siguro matanggap na iniwan siya ng ex-boyfriend dahil almost perfect na ang ang image at personality niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending