Marvin Agustin umamin na sa kanyang ‘first love’, true ba na mahigit 40 na ang pag-aaring resto sa Pinas?
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Marvin Agustin
UMAMIN na ang actor-businessman na si Marvin Agustin tungkol sa kanyang first love! No, hindi po tao ang tinutukoy niya – kundi ang food business.
Ayon kay Marvin, nasa pagkatao na niya ang “pagkaadik” sa negosyo na may koneksyon sa pagkain at serbisyo dahil bata pa lang siya ay nararamdaman na niya ang kanyang passion para rito.
Napanood namin ang nakaraang episode ng programang “My Puhunan” kung saan ibinahagi ng aktor at dating matinee idol ang naging journey niya bilang isang entrepreneur sa food industry.
“First love ko talaga ang industry na ‘to as early as what, 14 years old. I am already working in the restaurant, in the F and B industry as ‘yun na nga, sabi mo mascot, waiter, taga-hugas ng plato. So, parang, nasa pagkatao mo na,” pagbabahagi ni Marvin.
“Nu’ng naging artista ako though it’s a different world which I also enjoy and learned a lot pero parang hinahanap din ng katawan ko ‘yung hirap at kaligayahan ng isang food business.
“That’s why ‘yun nga kahit nag-aartista na kasama pa rin siya sa plano na gusto kong bumalik sa restaurant,” aniya pa.
Nag-aral din daw siya ng culinary arts nang magsimulang mag-venture sa food business, “I want to know what goes on in the restaurant and ang puso ng restaurant ay nasa kusina.
“Kaya sabi ko nu’n though nagluluto na ako nu’n sa bahay, sa mga kaibigan, pero iba ‘yung when you’re speaking with the chefs already.
“You have to speak their language para hindi kayo nalilito. So, I studied culinary so I would understand the kitchen more,” pagse-share pa ng aktor at dating ka-loveteam ni Jolina Magdangal.
Nagsimula muna siya bilang isang franchisee ng food cart business hanggang sa maging owner na ng sariling restaurant.
“Before the restaurant, cart business nung early 2000s, ‘yun ang uso ang cart business and fried rice and different flavors of rice. Baby steps muna.
“So nag-start ako as a franchisee then nagtayo ako ng concept na cart businesss then nag-invest ako sa restaurant ng kaibigan ko bago ako nag-conceptualize ng sarili kong restaurant.
“Pinagdaanan ko rin siya dahan-dahan hanggang nagkaroon ng lakas ng loob magkaroon ng restaurant,” aniya pa.
Balitang may humigit-kumulang na 40 restaurant nang pag-aari si Marvin, ang ilan dito ay meron siyang mga business partners.