Bong Revilla 50 years na sa showbiz, inalala ang kabilin-bilinan ng ama: huwag na huwag mali-late sa shooting, maging professional

Bong Revilla 50 years na sa showbiz, inalala ang kabilin-bilinan ng ama: huwag na huwag mali-late sa shooting, maging professional

Bong Revilla, Max Collins, Beauty Gonzalez at Lani Mercado

LIMANG dekada nang humahataw sa mundo ng entertainment industry ang action superstar na si Sen. Bong Revilla, Jr., ngayong buwan ng Agosto.

Ngayong 2023 ay ipinagdiriwang ng award-winning actor at public servant ang ika-50 anibersaryo niya sa showbiz na sa kabila ng pagdaan ng mga taon ay tila hindi tumatanda at nananatili pa rin ang angking kakisigan.

Bukod sa kanyang anibersaryo sa showbiz ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang 57th birthday sa darating na September 25 na kahit abala sa kanyang pagiging senador ay nagawa pa ring isingit ang paggawa ng sitcom.


Sa katunayan, last episode na sa darating na Linggo (August 20) ang patok na patok niyang programang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa GMA 7, 7:15 p.m..

Ayon kay Sen. Bong abangan daw ang Season 2 na kasalukuyan nang pinaplantsa at dahil sa mataas na ratings ng naturang weekly mini-series ay balak na ng production na gawin na itong araw-araw. Pero wala pa naman itong kumpirmasyon.

Ang unang exposure ni Sen. Bong sa movie ay noong 7 anyos pa lamang siya. Ito’y nang isama siya sa pelikulang “Tiagong Akyat” na ipinalabas taong 1973 under Imus Production na pinagbidahan ng kanyang amang si Ramon Revilla, Sr. katambal si Aurora Salve.

Baka Bet Mo: Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Nagmarka rin ang role ng aktor at public servant noong siya ay 14 anyos sa pelikulang “Bianong Bulag” na pinagbidahan din ng kanyang ama at ni Charito Solis nang gumanap siya bilang batang Bianong Bulag.

Ilan lang ‘yan sa napakaraming pelikulang ginawa sa panahong napakabata pa ni Sen. Bong hanggang sa dumating ang taong 1983 kung saan inilunsad na siya sa pelikulang “Dugong Buhay” na pinagsamahan din nila ng kanyang ama sa ilalim ng Lea Production.

Ilan pa sa mga naging blockbuster movie ni Sen. Bong ay ang “Boboy Tibayan-Tigre ng Cavite” mula  RNB Films hanggang sa magtuluy-tuloy na nga ang kanyang showbiz career.

Kinilala siya bilang Titanic Action Star na personal ding pinili ng yumaong Fernando Poe, Jr. na gumanap na Panday na isa ring blockbuster movie.

Ilan pa sa mga hindi malilimutang pelikula na ginawa ni Sen. Bong ay ang “Pieta: Ang Ikalawang Aklat”; “Sa Dibdib ng Sierra Madre”; “Celeste Gang”; “Tigre ng Cavite”; “Beloy Montemayor”; “Anak ng Supremo”; “Isa Lang ang Dapat Mabuhay”; “Bodyguard: Masyong Bagwisa, Jr.”; at “Sgt. Villapando: A.W.O.L.”


Nandiyan din ang “Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis 2”; “Sabi Mo Mahal Mo Ako, Wala ng Bawian”; “Buhay Mo’y Buhay Ko Rin”; “Ben Delubyo”; “Pepeng Agimat”; “Minsan Ko Lang Sasabihin”;  “Mahal Kita: Final Answer!”; “Kilabot at Kembot”; “Ang Agimat: Anting-anting ni Lolo”; “Bertud ng Putik”; “Captain Barbell”; “Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom”; “Kapag Tumibok Ang Puso: Not Once, But Twice”; “Resiklo”; “Ang Panday”; “Si Agimat at si Enteng Kabisote”; “Ang Panday 2 at Si Agimat, si Enteng at si Ako.”

Pinasok din ni Sen. Bong ang telebisyon, at umabot ng limang taon ang “Idol Ko si Kap”, na nasundan ng “Hokus Pokus” at ang sequel nitong “HP: To the Highest Level Na!”. Nandiyan din ang “Kap’s Amazing Stories”, “Indio”, “Agimat ng Agila” at ang pinakahuli nga ay itong  “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kasama sina Beauty Gonzalez at Max Collins.

“Ang Daddy ko mismo ang naging mentor ko hindi lang sa paggawa ng pelikula kung hindi maging sa pag-arte, siya mismo ang humubog sa akin hanggang sa aking paglaki kaya maging ang pagpalaot niya pulitika ay namana ko rin,” kuwento ni Sen. Bong.

Si Sen. Bong na mahal na mahal ng kanyang mga katrabaho sa pelikula ay hindi nali-late sa shooting o taping na isa sa mahigpit na kabilin-bilinan umano ng kaniyang ama upang magtagumpay at magtagal sa showbiz industry.

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Read more...