SUPER happy ang mag-asawang sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga matapos masilayan ang kanilang apo na si Baby Paulina Celestine.
Si Baby Paulina ang pangalawang anak ng panganay nilang si Toni Gonzaga at asawa nitong si Paul Soriano.
Ibinandera ni Mommy Pinty sa kanyang Instagram page ang larawan nila ng asawa habang buhat ang pangalawang apo.
“Enjoying our apo,” caption nito sa kanyang post.
Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa pagkikita nina Mommy Pinty, Daddy Bonoy, at Baby Paulina.
“Congratulations sa inyong dalawa. Your apo is so cute,” saad ng isang netizen.
Baka Bet Mo: Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived
Biro naman ng isa, “Mommy pinty kaya pa pong sundan si Catherine Gooooo! di kapa halatang lola!”
“So nice to have met you in the hospital @mommypinty , napakabait and humble niyo po,” sey naman ng isa.
Matatandaang August 11 nang ibahagi ni Paul Soriano sa kanyang Instagram account ang panganganak ni Toni sa kanilang healthy baby girl na si Paulina Celestine Gonzaga Soriano.
“Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived! Born 2:05pm on August 11, 2023 at 6.8 lbs. Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support. God bless you,” saad niya sa caption.
Related Chika:
Alex Gonzaga binati sina Toni at Mommy Pinty: Continue to keep glowing as the years pass!