Bukod sa kanilang mga restaurant at iba pang food business, meron din silang mga properties na pinarerentahan tulad ng apartments, condo unit at mga events place.
Lahat daw yan ay talagang pinaghirapan nilang alagaan at palaguin sa pamamagitan ng tamang pagpapatakbo at pag-aalaga sa kanilang mga staff at empleyado.
Ayon kay Neri na tinaguriang ultimate wais na misis, isa sa mga naging motivation niya para makapagpundar ng mga kumikitang kabuhayan ay ang pagkakaroon ng “tamang inggit.”
Sabi naman ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito, matagal din ang naging proseso para matumbok nila ang tamang “formula” sa pagbi-business.
“It wasn’t like we already knew the formula, marami po kaming pinagdaanan na mga mali.
“From our mistakes, nagiging better ‘yung mga decisions namin when it comes to investing, hanggang sa umabot sa point na more success na than mistakes,” ang pahayag ng isa sa mga coach ng “The Voice Generations” sa panayam ng “Kapuso Mo Jessica Soho” last Sunday.
Idagdag pa raw ang pagiging wais nila ni Neri sa paghawak ng pera, “Passion talaga. When we get money, the game is how to make more money, palaguin. Hindi how to spend it.”
Sabi naman ni Neri, mahalaga ang pagkakaroon ng “tamang inggit” para mas ma-motivate ang mga negosyante, “’Di ba, usually naiinggit, pero sisiraan mo ‘yung tao?
“Pero kapag nakita ko, ‘Gusto ko ‘yan,’ anong ginagawa mo? So, may maganda silang mga ginagawa, gagayahin ko.
“Dapat gayahin mo kung paano, hindi ‘yung dinidiscredit mo ‘yung mga tao. Like, ako, feeling nila, successful ako because of Chito, hindi. Magkaiba pa nga po kami ng pera, e. May bangko siya, may bangko ako,” paliwanag ang aktres.
Nag-start ang pagiging matagumpay na negosyante ni Neri nang dahil sa kanyang gourmet tuyo business na madalas niyang niluluto noon para sa kanyang pamilya.
Nang matikman na raw ito ng kanyang mga kaibigan ay nagsimula nang mag-order ang mga ito hanggang sa makarating na ang kanyang tuyo sa mga food bazaar.
“Dati nga nakikilagay lang po ako nung lamesa sa bazaar ng parokya. Ngayon, may sarili na’ko, sila na ‘yung nakikilagay sa akin,” pagbabahagi pa ni Neri.
Hanggang sa dumating na yung araw na nag-franchise na sila ng iba’t ibang restaurants. Sabi ni Chito, may sari-sarili rin silang negosyo ni Neri dahil kailangan nila ng strategy para masigurong nasa tamang lugar ang kanilang investments.
“’Wag niyo isusugal lahat sa isa lang. Kumbaga sa sampu na ‘yun, kung may mag-fail man na lima, may lima ka naman na totally different,” paalala ni Chito.
Mensahe pa ni Neri sa lahat ng mga nais magnegosyo, “Sipag plus action and non-stop learning.”
Sey naman ni Chito, “Aside from hard work, right decision tsaka right people to be with.”
Paalala pa ni Neri, “Kung anuman ang sitwasyon niyo ngayon, lagi niyong tatandaan, hindi palaging nandidiyaan. Kung feeling niyo down kayo, lagi kayong magpakabait, kasi sinusuklian talaga ni Lord ‘yung kindness natin.”
Ibinahagi naman ni Chito ang kahalagahan ng pagiging positibo, “Parang tamang inggit nga. ‘Ba’t siya nagawa niya? Ibig sabihin, kaya ko din.’ Find inspiration and use it as your guide.”