Carmina may ‘regrets’ din sa buhay: ‘Mas pinili ko ‘yung love kesa career… marami akong hindi nagawa because I chose my lovelife’
DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel na nagkaroon din siya ng “regrets” sa naging buhay niya noon.
Nagpakatotoo si Carmina nang matanong tungkol sa ilang kaganapan sa kanyang showbiz career pati na rin sa personal life ng aktres.
Sa nakaraang episode ng weekly talkshow ng GMA 7 na “Sarap Di Ba?” ay sumabak si Carmina sa hot seat bilang bahagi ng kanyang birthday episode last Saturday, August 12.
Question ni Cassy Legaspi sa kanyang nanay, “Matagal ka na showbiz, do you have any regrets sa showbiz life mo?”
View this post on Instagram
“Meron,” ang mabilis na sagot ni Carmina kasabay ng pag-amin na may kaugnayan sa kanyang lovelife at pakikipagrelasyon.
Baka Bet Mo: Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’
“‘Yung regret ko because that time, I thought I was in love so in short, mas pinili ko ‘yung love kaysa sa career,” simulang pagbabahagi ni Carmina.
Aniya pa, “Feeling ko lang naman ‘yun, because ang dami kong natanggihan na projects. Marami akong hindi nagawa because I chose my lovelife.”
Sey pa ng wifey ni Zoren Legaspi, biglang nagbago ang kanyang buhay nang isilang niya ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Nanganak ang aktres sa ibang bansa noong January 6, 2001.
“But, sabi ko nga kay Tatay (Zoren), after giving birth, simula noong dumating kayong dalawa into our lives, mas gumanda ‘yung career ko so ngayon,” aniya pa.
Ngunit ipinagdiinan ni Carmina, “Wala na lang akong regret. Happy ako kung nasaan ako ngayon.”
Kylie Padilla may taong pinatatamaan tungkol sa ‘closed mentality’: I regret having you as a memory…
Carla nagsisisi na nagpakasal kay Tom, ayaw ding makatrabaho ang ex-dyowa, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.