Marvin Agustin super happy na sa lovelife, inalala ang pagiging waiter at mascot: ‘Minsan natatakbuhan ako ng customer kasasayaw ko’

Marvin Agustin super happy na sa lovelife, inalala ang pagiging waiter at mascot: 'Minsan natatakbuhan ako ng customer kasasayaw ko'

Marvin Agustin

SUPER happy ang puso ngayon ng actor-entrepreneur na si Marvin Agustin dahil finally ay meron na raw siyang matatawag na special someone.

Napaamin ng award-winning TV host at talent manager na si Boy Abunda si Marvin nang sumalang ito sa hotseat ng programa niyang “Fast Talk” last Thursday.

Sa isang segment nga ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay napag-usapan ang lovelife ni Marvin at dito inamin nga niya na maligaya ang estado ngayon ng kanyang puso.

“Masaya ako,” pagkumpirma ni Marvin na binigyan pa ng perfect “10” rating kung gaano kaligaya ang kanyang puso.


Sunod na tanong ni Tito Boy sa aktor, “Yes or no, are you single?” Na mabilis namang sinagot ni Marvin ng, “I’m not single.”

Sey pa ng aktor, very open na rin niyang naikukuwento ang tungkol kanyang lovelife sa kambal niyang anak kay Tetet Dy, na sina Sebastian at Santiago.

“Nagkukuwentuhan kami about everything so alam nila kailan ako maligayang-maligaya, at kung kailan ako malungkot,” chika pa ni Marvin na biglang hinubad ang suot na jacket dahil sa maiinit na questions ni Tito Boy.

Baka Bet Mo: Ken Chan sa nakakalokang role sa ‘Papa Mascot’: ‘Nagkaroon ako ng kalayaang maipakita ang matagal ko nang kinikimkim bilang aktor’

Naibahagi rin ni Marvin na busy pa run siya sa pag-aasikaso at pagpapatakbo ng kanyang mga restaurant, kabilang na riyan ang Cochi by Marvin, Secret Kitchen, Kondwi, Mr.VinMunchies, at iba pa.

Samantala, inalala rin ni Marvin ang naging buhay niya noong nagtatrabaho pa siya bilang waiter at mascot sa isang restaurant. Talaga raw ilang beses niyang tinanggihan ang mga alok sa kanya para mag-artista.

“Noong nadi-discover ako para maging artista, ang kapal ng mukha ko, nagno-‘no’ ako. Kasi masayang-masaya akong nagwe-waiter noon.


“Pag-aaralin ako sa umaga tapos magtatrabaho sa Tia Maria’s sa gabi. Tapos ang gusto ko nu’n, maging manager ng restaurant,” kuwento pa Marvin.

Super dance rin daw si Marvin kapag nagse-serve ng Margarita sa mga customer, “Pinapasayaw kami ng customers kasi kasama ‘yun sa buong presentation.”

Nag-work din siya bilang mascot sa isang pizza restaurant, “Minsan natatakbuhan ako ng customer sa kakasayaw ko. ‘Yung habang nagsasayaw ako, sabi ko, ‘Nasan na ‘yung customer du’n?’ Wala na pala, umalis na. So nagbayad pa ako.”

At bilang isang matagumpay na negosyante na may 50 restaurant na ngayon, nag-advice si Marvin sa mga nangangarap ding magnegosyo.

“‘Wag na ‘wag mong kakalimutan ‘yung experience mo ngayon because magiging sandata mo ‘yan kapag medyo nagiging complacent ka na sa buhay.

“Kaya ‘yung hunger na naranasan ko dati, na-realize ko na it’s a character, it’s a good trait of a human being para hindi ka tumigil sa gusto mong gawin sa buhay. ‘Yung hunger, Tito Boy, hindi ko siya kinakalimutan,” aniya pa.

Ivana game na game na nagtinda ng street food; mga customer binigyan ng pera

Marvin naging waiter, janitor, bartender at mascot: Hindi mo malilimutan yung first love mo…

Read more...