Sharon pinakilig ang fans sa birthday greeting niya kay Aga: ‘Love you always!’

Sharon pinakilig ang fans sa birthday greeting niya kay Aga: 'Love you always!'

Aga Muhlach, Sharon Cuneta at Andres Muhlach

PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na fans at netizens ang litrato nina Megastar Sharon Cuneta at Aga Muhlach sa Instagram.

Mismong si Shawie ang nag-share ng nasabing photo sa IG kalakip ang kanyang short but sweet birthday greeting para sa kaibigan at dating leading man.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng singer-actress at TV host si Aga na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Nasa photo rin ang binatang anak ni Aga na si Andres na mas napansin pa ng mga IG followers ni Shawie.

“Happy Birthday, dearest Teng! Love [you] always,” ang maikling caption ni Mega sa picture nila nila ni Aga.


Matatandaang bumida sina Sharon at Aga sa 2003 film na “Kung Ako Na Lang Sana.”

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa IG ni Sharon.

“Yung tingin po ng binata sa likod niyo.”

“Loveeee your outfit Madam.”

Baka Bet Mo: Aga Muhlach, Charlene Gonzales ibinahagi ang sikreto sa matagal na relasyon: Find the goodness in that person you meet

“Emmy and Vince! Tita @reallysharoncuneta na inspire ako maging negosyante dahil sa movie niyo.”

“One of my faves movie of you po KUNG AKO NALANG SANA.”

“Kuya nakablock sa gilid, anong feeling , na nakakita ka ng Vampira sa piling ng imortal Hehehe @reallysharoncuneta.”


“Happy birthday, Sir @agamuhlach317, aka Enteng. Hope you and Mega @reallysharoncuneta will have a movie together soon!”

“Ganda ng outfit idol!!! Bagay simple and elegant.”

“Dapat ganito pic nyo ni papi @concepciongabby pag nagkita kayo.”

“Ganda mo mama nakakainlove Ang ganda mo like you’re new hairstyle bagay mo Po.”

“Hehehe happy birthday po sir Aga! super nakakadistract naman yung poging nakasweater na black sa likod.”

“Pabata ng pabata my Mega! Gorgeous ever!”

‘Bakuna’ photo ni Maine pinusuan ng netizens: Do your part and get vaccinated, friends!

Pagsakay ni Nadine ng tricycle sa Siargao pinusuan ng netizens, sey ng taga-isla: Maganda siya, mahinhin at approachable

Read more...