Ayn Bernos nag-sorry sa inilabas na artikulo tungkol kay Kathryn Bernardo: ‘Thank you for calling my attention and I promise to do better’

Ayn Bernos nag-sorry sa inilabas na artikulo tungkol kay Kathryn Bernardo: 'Thank you for calling my attention and I promise to do better'

Kathryn Bernardo at Ayn Bernos

NAGPAKUMBABA ang content creator na si Ayn Bernos at nag-sorry sa mga fans and supporters ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Naglabas ng apology letter si Ayn matapos mabatikos dahil sa inilabas niyang article about Kathryn sa digital publication na Nylon Manila, kung saan siya ang nakaupong editor-in-chief.

Ang nasabing article ay may titulong “We’re here for Kathryn Bernardo’s Experimental Era,” kung saan nakasentro ang kuwento sa pinag-uusapang pelikula ng aktres na “A Very Good Girl”. Kasama ni Kath sa movie ang internationally-acclaimed actress na si Dolly de Leon.

Nang mabasa ng supporters ni Kathryn ang nasabing artikulo ay tinawag nila itong “backhanded compliments” dahil pinuri nga nito ang dalaga pero may mga pailalim namang pang-ookray at pangnenega.


Sinita rin nila si Ayn dahil pinayagan daw nito na ma-publish ang naturang article kasabay ng pagpuna sa pagiging advocate niya ng women empowerment.

Narito ang ilang bahagi ng nailathalang artikulo na ikinagalit ng fans ng Kapamilya star na ipinost din sa X (dating Twitter).

“If the trailer for A Very Good Girl is anything to go by, #KathrynBernardo needs to continue taking on diverse acting roles.

“While there is nothing wrong with that, we can’t help but feel that Kathryn can do more than just the typical roles. We know that she has the talent, she just needs the right vehicle to do it.

“While there is nothing wrong with wanting our fave actors and actresses to take on movies and roles we loved them for, they also deserve to spread their wings creatively and expand into different projects,” ayon pa sa artikulo kasunod ang pagbanggit sa mga celebrities na umalis sa loveteams kabilang na sina Enrique Gil, Nadine Lustre, Liza Soberano at Andrea Brillantes.

“We hope this isn’t a short-lived moment but the start of a new period for Kath to expand her portfolio,” ang nakasaad pa sa article.

Baka Bet Mo: Dawn Chang may hugot sa pang-aabuso sa kababaihan, netizens nag-react: Attention seeker ka talaga

In-edit na ang lumabas na artikulo pero hindi pa rin tumitigil ang mga netizens sa pamba-bash sa publikasyon at kay Ayn. Kaya naman nag-post na rin si Ayn sa X ng kanilang open letter na may caption na, “Thank you for calling my attention and I promise to do better.”


“Hi everyone, recently, we published an article titled ‘We’re here for Kathryn Bernardo’s Experimental Era’ with every intention of commending her new role on A Very Good Girl.

“I understand, however, that I have overlooked the tone and word choice in some parts of the piece.

“I take full responsibility for this. Personally and professionally, I believe in lifting women up and creating safe spaces for us to thrive, and I am sorry for this oversight.

“This new role is not something I take lightly, and this experience has taught me so much about how much more work I have to do. I am listening. I am grateful for your feedback, and I will do better,” ang pahayag pa ni Ayn.

TikTok star Ayn Bernos kinawawa ng bashers, wala raw karapatang sumali sa 2021 Miss Universe PH

Trina Candaza umalma sa headline tungkol sa paghihiwalay nila ni Carlo Aquino

Read more...