MATAPOS ang kanyang laban sa Poland, muling kinoronahan si Miss Supranational 2023 first runner-up Pauline Amelinckx.
Siya ang itinanghal na first-ever “The Miss Philippines” queen!
Nakuha niya ang nasabing titulo sa naganap na homecoming event sa Manila matapos ang Miss Supranational pageant.
Sa isang Instagram post, makikita ang ilang litrato na mismong sina Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup at MUPH Creative and Events Director na si Jonas Gaffud ang nagbigay ng korona at sash kay Pauline.
“As The Miss Philippines, Pauline represents confidence, intelligence, and positive change in addition to being a beauty queen,” sey sa caption ng post.
Para sa kaalaman ng marami, ang newly-formed pageant ay itinatag mismo ni Shamcey at Jonas.
Ang mga mananalong reyna sa The Miss Philippines ay ilalaban nila sa Miss Supranational at Miss Charm international pageants.
Sa katunayan nga ay bukas na ang aplikasyon para sa mga nais sumubok sa kompetisyon at ang coronation night nito ay mangyayari na sa darating na Oktubre.
Samantala, noong nakaraang buwan lamang nang makuha ni Pauline ang first runner-up sa Miss Supranational 2023 competition na naganap sa Poland.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, tatlong beses sumali sa Miss Universe Philippines pageant si Pauline bago nakuha ang kanyang titulo bilang 2023 Miss Supranational Philippines.
Noong nakaraang taon ay nakuha niya ang titulong Miss Universe Philippines-Charity, at noong 2020 ay naging third runner-up siya sa MUPH.
Nauna nang sinabi ng beauty queen na ayaw niyang magsisi sakaling hindi niya itinuloy ang kanyang muling pagsabak sa Miss Universe Philippines.
Related Chika: