Pakiusap ni Kylie Padilla: Please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts…

Pakiusap ni Kylie Padilla: Please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts…

PHOTO: Instagram/@kylienicolepadilla

HINDI na napigilang magsalita ng aktres na si Kylie Padilla upang makiusap sa ilang fans sa kanyang latest social media post.

Hanggang ngayon kasi, marami pa rin ang nagta-tag sa kanya sa tuwing may bagong update sa socmed ang kanyang dating mister na si Aljur Abrenica at ang current girlfriend nito na si AJ Raval.

Dahil diyan ay tila napuno na nga si Kylie at nanawagan na siya na huwag na siyang i-tag sa tuwing may post ang mga ito.

“Love you guys but please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts,” sey niya sa platform na X (dating Twitter).

Paliwanag pa niya, “Honestly kapagod ‘yung narrative. Please lang. Thank you.”

Baka Bet Mo: Kylie Padilla maraming pinagdaanan matapos mahiwalay kay Aljur Abrenica, handa na muling mag-‘take risks’

Bukod diyan ay nag-reply din ang aktres sa tweet ng isang fan na kung saan ay tiniyak niya na naka-move on na siya mula sa hiwalayan nila ni Aljur at may kanya-kanya na silang buhay.

Tweet ng fan kay Kylie, “Sending hugs ate Kai, andito lang kami palagi para sayo, Our Hara Amihan.”

Sagot ng aktres sa kanya, “Actually I’m really ok. Lol may sari-sarili na kaming buhay nakakatawa lang.”

“I don’t need to know what my ex is doing just like anyone who has an ex LOL [laughing face emoji sobrang awkward dahil lahat kami artista,” aniya pa.

Kung maaalala, noong July 2021 nang kumpirmahin ng ama ni Kylie na si Senador Robinhood Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.

Ito naman ay kinumpirma mismo ni Kylie at Aljur sa magkahiwalay na social media posts.

Samantala, bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang noong panahon na ‘yun.

Sa kasalukuyan ay may kanya-kanyang partner na ang dating mag-asawa.

Noong Valentine’s Day ay ibinunyag ni Aj ang real score nila ni Aljur, habang si Kylie naman ay masaya na sa dyowa niya na isang tattoo artist at ito ay inilantad niya noong Enero.

Read more...