Sunshine Cruz nagpasabog ng kaseksihan, ibinandera ang bikini pictures noong 1999

Sunshine Cruz nagpasabog ng kaseksihan, ibinandera ang bikini pictures noong 1999

PHOTO: Instagram/@sunshinecruz718

PAK na pak sa isang social media post ang aktres na si Sunshine Cruz!

Paano ba naman kasi, nagpasiklab siya ng hotness nang ibinandera niya sa Instagram ang ilan niyang bikini photos mula sa kanyang photoshoot noon pang 1999.

Fierce looking ang aktres habang suot ang kanyang red bikini at nakaluhod pa sa isang lamesa.

Meron pang nakasuot siya ng black leather bikini na may brown jacket at ang huling picture ay mala-action star pa ang peg na naka-two piece din siya at may hawak pang baril.

“I found my baul full of old photos,” wika niya sa IG post.

Sey pa niya, “Here are some raw photos [from] almost 25 years ago (year 1999).”

“More throwback photos to come,” caption pa niya.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz sa pakikipaghiwalay kay Macky Mathay: Parang hindi nagli-level up yung relationship

Umani naman ng magagandang comments mula sa netizens ang throwback post ni Sunshine at ilan lamang diyan ang kapwa-artista na sina Ruffa Gutierrez, Jackie Forster at Carmi Martin.

“I like the one with the gun!! Let’s go target shooting, @sunshinecruz718 [fire emoji],” sey ni Ruffa.

Lahad naman ni Carmi, “Maganda pero Mas….. Maganda ka ngayon [red heart emoji].”

Nagkomento rin ang anak ni Sunshine na si Chesca Montano at pabirong sinabi na nais niya gayahin ang mga pictures niya.

Ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ina.

“What if i recreate [grinning face with sweat emojis],” sey ni Chesca.

Reply sa kanya ni Sunshine, “@chesca.montano no [laughing face emoji].”

Currently single ang batikang aktres matapos ibunyag noong nakaraang buwan na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

“Five days bago mag-sixth anniversary kami, nakipaghiwalay ako [kay Macky],” kwento niya.

Chika pa niya, “Nakalock-in taping pa ‘yun — through message. I said na, ‘I don’t think may patutunguhan pa itong relationship.’ Siyempre at this point in my life—I’m 45—naghahanap na tayo ng relationship na kahit papaano ay lume-level up.”

“Kasi magsi-six years na pero parang [diretso] lang kami,” aniya pa.

Related Chika:

Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang ‘nag-apoy’

Read more...