Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang 'nag-apoy' Bandera

Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang ‘nag-apoy’

Ervin Santiago |December 07,2021
share this

Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang ‘nag-apoy’

Ervin Santiago - December 07, 2021 - 08:33 AM

Rabiya Mateo

“NAGLAGABLAB” ang Instagram account ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo dahil sa mga bago at pasabog na bikini photos niya. 

Sandamakmak na fire emojis ang nakuha ng latest IG post ng bagong Kapuso actress hindi lang mula sa kanyang mga fans and supporters kundi maging sa mga kapwa niya celebrities.

Ibinandera ni Rabiya ang mga bago niyang sexy photos sa IG suot with her shiny pink bikini kung saan talaga namang kitang-kita ang kanyang kaseksihan.

Ang maikling caption niya sa mga litrato ay, “Playful Thursday.” Nagkakaisa ang mga netizens sa pagsasabing hanggang ngayon ay pwedeng-pwede pa rin siyang manalo ng Best in Swimsuit sa Miss Universe.

In fairness, daang libo na ang nakuhang likes ng bikini photos ni Rabiya. Pati nga ang mga Filipino celebrities at mga kapwa beauty queen mula sa iba’t ibang panig ng universe ay napa-wow at napanganga sa kaseksihan ng dalaga.

“Grabe siya!” ang comment ng TikToker at dating Miss Universe Philippines candidate na si Ayn Bernos.

“OMG Rabiya!” sey ng dating Miss World Philippines na si Katarina Rodriguez.

“Ganda-ganda!” ang komento naman ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Hirit ng Kapuso youngstar na so Kate Valdez, “Grabe po ateeee!”

“GRABE!” sey ng broadcast journalist na si Pinky Webb.

Puro fire emojis naman ang comment ng mga batchmates niya sa Miss Universe na sina Natasha Joubert ng South Africa, Miss Laos Christina Lasasimma at Leyla Espinoza ng Ecuador.

Pinuri rin nang bonggang-bongga nina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Miss Earth 2015 Angelia Ong si Rabiya.

Si Rabiya ang naging representative ng Pilipinas last year sa Miss Universe pageant na ginanap sa Amerika noong Mayo. Umabot lamang ang dalaga sa Top 21.

This year, si Beatrice Gomez naman ang bet ng bansa sa idaraos na 70th Miss Universe pageant sa Israel na magaganap sa Dec. 12 (Dec. 13 sa Manila).

Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending