KC Concepcion sabik na sabik na sa reunion concert nina Sharon, Gabby: Kung excited kayo, eh di lalo naman ako!

KC Concepcion sabik na sabik na sa reunion concert nina Sharon, Gabby: Kung excited kayo, eh di lalo naman ako!

KC and Gabby Concepcion, Sharon Cuneta

MAGSASAMA sa isang entablado ang dating couple na sina Megastar Sharon Cuneta at veteran actor na si Gabby Concepcion.

Magkakaroon kasi sila ng reunion concert na pinamagatang “Dear Heart” sa darating na October 27!

At dahil diyan, hindi na napigilan ng kanilang anak na si KC Concepcion na ihayag ang kanyang nararamdaman.

Sa isang pahayag na inilabas sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong August 10, sinabi ni KC na siya ay super happy at super excited para sa kanyang magulang.

“Sobrang happy ko to be back in Manila for this very special reunion concert!” sey niya sa naturang statement.

Baka Bet Mo: Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby

Dagdag niya, “I can feel that a lot of Filipinos around the world, together with me, would be so happy to witness this experience of seeing my Papa and Mama together on stage.”

“Kung excited kayo, eh di lalo naman ako! Kaya sama-sama na tayo!,” sambit ni KC.

Magugunita noong Hulyo nang unang ibinalita ng dating mag-asawa ang nakatakda nilang reunion.

Kung matatandaan, nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang maging magka-love team sila sa 1981 film na “Dear Heart.”

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang nasabing pelikula ay ikinasal sina Sharon at Gabby.

At matapos ang isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng anak na si KC.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang couple at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador Francis “Kiko” Pangilinan, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Related Chika:

Marian Rivera excited na sa showbiz comeback, sino nga ba ang nais makatambal?

Read more...