IBINANDERA ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ang mga rason kung bakit deserve ng “It’s Showtime” host na si Ryan Bang ang manatili sa Pilipinas.
Kamakailan kasi ay nag-guest ang binata sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan nabanggit nito na nais niyang manatili sa Pilipinas dahil dito na siya lumaki at tanggap na tanggap na siya ng mga Pilipino.
Kaya naman hindi napigilan ni Pokwang na magbigay komento at papuri kay Ryan na ilang beses na ri niyang nakasama sa mga proyekto.
Ito ay ibinahagi niya sa kanyang X (dating Twitter) account.
“Si @ryanbang deserve nya tumira at manatili sa Pilipinas kasi mabuting tao at hindi manggagamit at oportunista,” saad ni Pokwang.
Dagdag pa niya, “yung iba dyan USER lang ang peg! No no no!!!! [thumbs down emoji].”
Baka Bet Mo: Pokwang matapos maghain ng counter affidavit ni Lee O’ Brian: ‘Undesirable aliens have no place in this country’
Hindi naman nakatakas sa mga mapanuring netizens na tila pinariringgan ni Pokwang sa kanyang post ang dating partner na si Lee O’ Brian.
“Hello po mam. Ano po ang maaaring gawin ng ex mo para po mapatawad mo s’ya.? Thank you and keep safe po,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa sa post ni Pokwang, “Eh Paano Kung di mo nakilala si Papang, di wala ka Malia. Isipin mo yun para mawala galit mo.
“Di maka move on? Lol,” sey naman ng isa.
Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Pokwang at Lee dahil ayon sa aktres, never niyang naramdaman na minahal siya nito kahit pa nagkaroon sila ng anak na si Malia.
Umabot pa nga sa puntong naghain siya ng petisyon para ipa-deport si Lee pabalik sa USA.
Related Chika:
Eugene Domingo pinayuhan si Pokwang: Mayroon tayong mga pinaglalaban na pwede tayong hindi manalo
Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni ‘Lee’: Wala sa usapan natin ‘yan