Maika Rivera sa relasyon ng ex-dyowang si Bobby Ray Parks kay Zeinab Harake: I’m genuinely happy for them

Maika Rivera sa relasyon ng ex-dyowang si Bobby Ray Parks kay Zeinab Harake: I'm genuinely happy for them
NAGSALITA na ang aktres at dating miyembro ng GirlTrends na si Maika Rivera hinggil sa relasyon nina Bobby Ray Parks at Zeinab Harake.

Matagal na rin kasing kinukulit ng madlang pipol ang dalaga ukol sa kanyang reaksyon matapos isapubliko ng dalawa ang kanilang pagiging mag-dyowa.

Para sa mga hindi aware, si Maika ang ex-girlfriend ni Bobby at tumagal rin ang kanilang relasyon ng ilang taon.

Kaya naman marami sa mga marites ang abangers dahil naging tahimik ang relasyon nilang dalawa hanggang sa nagulat na lang ang lahat nang mapabalitang si Zeinab naman ang pinopormahan ng basketbolista.

At finally nga ay pinagbigyan na ni Mika ang mga nagtatanong sa kanya at sinagot ito sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Baka Bet Mo: Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

“I’m sure matagal niyo na ‘tong hinihintay. ‘Tong question na ‘to,” panimula ni Maika.

Pagpapatuloy niya, “Pero, I’m genuinely happy for them. It doesn’t really matter what I think. “I’m happy that they’re happy. That’s it.”

Umani naman ng magagandang komento mula sa mga netizens ang naging sagot ni Maika ukol sa bagong relasyon ng ex-dyowa.

“Yay! Proving that women can be happy for other women. Go,” saad ng isang netizen.

Papuri naman ng isang netizen kay Mika, “ganyan ang mindset na maganda kasing ganda nya keep it up.”

“Sana lahat ng ex ganyan. Nakakaganda talaga pag maganda ka na mabait pa,” sey pa ng isa.

Para sa mga hindi nakakaalam, lumabas si Maika sa iba’t ibang Kapamilya series gaya ng “Magpahanggang Wakas”, “Blood Sisters”, “Wildflower”, “Ang Probinsyano”, at “Iron Heart”.

Bukod pa rito, naging parte rin siya ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” bilang miyembro ng Girltrends.

Related Chika:
Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks magdyowa na nga ba, may palitan ng sweet messages sa isa’t isa?

Read more...