Heaven Peralejo, Marco Gallo nag-umaapaw ang chemistry at magic sa ‘The Ship Show’, 5 pang pares hindi nagpatalbog
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Heaven Peralejo, Marco Gallo at ang iba pang cast members ng ‘The Ship Show’
ISA sa mga breakout loveteam ngayong 2023 na nagpakilig sa kanilang hit series na “The Rain in España” ay muling magtatambal, this time ibabandera naman nila ang kanilang nag-uumapaw na chemistry sa big screen.
Isa itong romantic-comedy movie mula sa award-winning director na si Jason Paul Laxamana, tungkol sa 12 participants na hinati sa six pairings para bumida sa isang reality show kung saan ang mananalo ay tatanghaling “Next Big Loveteam” ng bansa.
Kilalanin ang anim na loveteam ng “The Ship Show,” ang unlikely pairing ng introvert na si Araw (Marco Gallo) at ng masayahing si Chia (Heaven Peralejo), ang cheerful duo na sina Nestor (Tomas Rodriquez) at Tintin (Ashtine Olviga), ang sexy at oozing with confidence pair-up nina Ashley (PJ Rosario) at Belline (Angelic Guzman), ang mag-ex na si Buddy (Rabin Angeles) at Shey (Bianca Santos), ang music lovers na sina Elbrich (Migo Valid) at Marge (Janine Teñoso), at ang “brainy love team” nina Monti (Martin Venegas) at Amor (Madelaine Red).
Sa mga haharapin nilang tasks, dapat mahuli nila ang kilig at makuha ng mga couple ang boto ng mga shippers para malampasan ang lahat ng elimination round.
At kagaya ng kahit anong kompetisyon, mas magiging mahirap ang bawat challenges sa pagpapatuloy ng show na susubok sa tibay ng lahat ng couples.
Panoorin kung paano babaguhin ng show ang mga buhay nila at kung paanong ang mga onscreen team-ups ay mauwi sa real feelings. Tama ba sila ng mga piniling partner?
“O, mas bagay ang iba sa ibang participants? Sinong love team ang unang matatanggal? Sino ang aabot hanggang sa dulo? Kaninong ship ang lulubog? Kaninong ship ang maglalayag?
Ang “The Ship Show” ay ang follow-up project nina Marco Gallo at Heaven Peralejo matapos ang massive success ng series nilang “The Rain in España” na umere sa TV5 at mapapanood din sa Viva One.
Ito rin ang first lead role ng rumored couple sa pelikula bilang magka-loveteam na tiyak na ikakasaya at aabangan ng kanilang avid fans and supporters.
In fairness, sure na sure kami na magugustuhan ng MarVen fans ang pelikula dahil talaga namang bawat eksena nila rito ay walang tapon, as in kilig pa more ang ipaparamdam nila sa mga manonood.
At bukod nga rito, mamahalin n’yo rin ang lima pang pares na nakalaban nina Heaven at Marco sa naturang reality show dahil bukod sa magagaling na silang umarte ay may hatid din silang kakaibang kilig at kiliti sa kuwento.
Pero gusto naming palakpakan sina Heaven at Marco dahil pinatunayan nila sa pelikula na sila na nga ang pwedeng tawaging “The Next Big Loveteam” sa local showbiz.
Mula sa Viva Films, MarVen fans, ready na ba kayo? Let love sail at panoorin na ang “The Ship Show.”