Lovi Poe matagal nang engaged kay Monty Blencowe: ‘We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends’
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Monty Blencowe at Lovi Poe
NAG-POST si Lovi Poe sa Instagram ng bilog na lamesang may nakapatong ng dalawang tasang kape habang maririnig ang hampas ng alon sa dagat kasabay ng pagsikat ng araw.
Ang background music ng video ay ang mabagal na version ng awiting “Location Unknown” mula sa electronic music duo na Honne na binubuo nina James Hatcher at Andy Clutterbuck.
Kasunod nito ay ipinakita niya ang suot na engagement ring na may malaking bato.
Ang caption ng singer at aktres ay, “A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring (emojis coffee, sunrise and ring).”
Sa madaling salita ay matagal na palang engaged si Lovi sa boyfriend niyang film producer na si Monty Blencowe.
Aniya pa, “We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you.”
At kaya siguro ang napiling background music na “Unknown Location” ay dahil muli nilang binalikan ang lugar kung saan nag-propose si Monty kay Lovi base na rin sa lyrics na “Travelling places, I ain’t seen you in ages, but I hope you come back to me. My mind’s running wild, with you far away, I still think of you a hundred times a day.”
Mukhang witness sa nasabing engagement ang dating “ASAP” headwriter na ngayon ay VIU Philippines Content head na si Garlic Garcia base na rin sa komento niya.
Aniya, @bigbadbawang, “Thank you for making me a part of your special moment and special day (emojis 3 hearts) I love the way you both love and honor each other.
“You are both truly God’s best for each other and I celebrate that with you both in this lifetime and the next Love you and Papa Monty @montyblencowe.”
Mas lalong tama ang hinala namin na matagal na ngang engaged sina Lovi at Monty dahil sa komento ng isang media friend nila.
Sabi ni Jun Lalin, “Finally! congratulations thank you @lovipoe and @montyblencowe for the trust. I kept my mouth shut hehehe… love you both.”
Samantala, maraming celebrities ang bumati kay Lovi at kay Monty.
Sab ni Yam Concepcion, “Aww congrats lovi!!”
Ayon sa malapit na ring ikasal na si Angelica Panganiban, “Congratulations.”
Ang komento ng magiging tatay nang si Congressman Jolo Revilla, “Congratulations!!!!!!”
Sabi ng Star Patroller na si Gretchen Fullido, “Woohoo! Congratulations @lovipoe.”
Comment ng stepbrother ni Lovi na si Ron Poe, “Congratulations Sis and @montyblencowe see you guys soon.”
Sabi ng isa sa mga BFF ni Lovi na si Glaiza de Castro, “Awwww congrats Ursula.”
Naaliw naman kami sa komento ng netizen na si @mikebreezy_31, “Akala ko pa naman kayu ni Tanggol magkakatuluyan.”
Si Tanggol ay si Coco Martin sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” na leading man ni Lovi.