Mark Bautista na-hack ang Instagram, mga larawan ng babaeng naka-bikini bumalandra

Mark Bautista na-hack ang Instagram, mga larawan ng babaeng naka-bikini bumalandra

MARAMI ang nagulat nang makita ang larawan ng mga foreign sexy girls na nakasuot ng bikini sa Instagram account ng singer-actor na si Mark Bautista.

At nitong Lunes, August 7, ibinahagi niya ang balita sa kanyang Facebook account upang magbigay babala sa madlang pipol.

“My Instagram account has been hacked,” pgbabahagi ni Mark.

“Guys I’ll try to retrieve it. But for now pls help me report it. Thanks.. haaay,” dagdag pa niya.

Sa kanyang X (dating Twitter) account ay nakisuyo naman ito sa publiko na tulungan siyang mag-report sa nangyari.

so na hack nga instagram ko haaaay..pls help me report it guys. Salamat sa lahat ng nag message sakin,” pakiusap ni Mark.

Baka Bet Mo: Mark Bautista hindi nagsisisi na umaming bisexual, nilayuan ng ilang kaibigan sa showbiz: ‘Feeling nila ginagawa ko lang yun for publicity’

Marami namang nagbigay ng iba’t ibang payo sa mga netizens na mga dapat gawin ng singer.

Saad ng kapwa mang-aawit ni Mark na si JM Bales, “Kuys, report mo agad sa Instagram team, mabilis sila mag-reply. Na-hack din ako before.”

Comment naman ng isa, “oo nga idol, super shock ako sa mga photos. wheeeww. hope you can still recover it very soon!”

“Ano kaya pakay nila sa account ni kuya mark bautista,” sey naman ng isa.

At ngayong gabi lang, August 8, muli nang nabalik ang access ng account sa singer.

“This is crazy!!! I think im back? First of all thanks to everyone who reported this account and to all my friends who messaged me showing their concerns,” panimula ni Mark sa nag-iisang post sa kanyang bagong retrieve na account.

Pagpapatuloy niya, “I already deleted all the sexy photos(my gulay!) but I think she/he/they also deleted all my posts.”

Aminado si Mark na sa ngayon ay takot siyang mag-post sa kanyang account.

“Anyway, I’m still trying to figure this out but for now, i’ll just start by saying- Take extra care and stay safe everyone!

“I can now sleep Sana hindi naman ako gisingin ulit ng kapatid ko ng 4am dahil na hack ig ko. [smiley] Good night everyone,” sey ni Mark.

Related Chika:
Mark Bautista nagluluksa sa pagpanaw ng ama

FB account ni Jaclyn Jose muling na-hack, nagreklamo na sa NBI: Bastos at walang galang itong gumagawa ng ganito

Read more...