Mark Bautista tumangging magbida sa BL series: Masyadong wild!

Ervin Santiago |November 22,2020
share this

Mark Bautista tumangging magbida sa BL series: Masyadong wild!

Ervin Santiago | November 22,2020 - 09:30 AM

GAME na game na “nakipagsagutan” ang Kapuso TV host-singer na si  Mark Bautista sa mga followers niya sa Instagram.

Ilang naughty questions mula sa netizens ang diretsahang sinagot ni Mark kabilang na ang tanong kung bakit ang hilig-hilig niyang magpa-picture ng nakahubad.

Unang sinagot ng binata ang tinawag niyang “pang-morning question” na, “Anong una mo hinawakan sa parte ng katawan mo pag gising mo?”

Reply ni Mark, “Ok cge fair enough… Buhok?” kalakip ang litrato niya habang hinahawakan ang kanyang hair.

Sumunod na tanong, “Lodi, kapag ba umuunat ka pag gising may ibang nase-stretch (rofl emojil)?”

Ibinahagi ng singer-actor ang lumang photo niyang nakasuot ng “Lastikman” costume na kuha sa dati niyang pelikula at nilagyan ng caption na, “Lastikman will always be lastikman (smiley and peace emojis).”

Tinanong din siya kung ano ang mas type niya, “Boxers or briefs?” na sinagot niya ng “Boxers @ home (wink emoji).”

Hirit naman ng isa niyang IG follower, “Bakit po hubadero kayo?” Na nireplayan noya ng, “Hahaha! because if I’m really old and saggy I can’t do it anymore.”

Samantala, nabanggit din ni Mark sa isa niyang follower na may nag-offer sa kanya na magbida sa isang boy’s love series, na bentang-benta ngayon sa telebisyon at pelikula.

Pero aniya, hindi niya ito tinanggap dahil baka raw hindi niya kayanin ang mga eksenang ipagagawa sa kanya base na rin sa materyal na nabasa niya.

Gusto naman daw niya itong subukan lalo pa’t marami nga ang nagsasabi sa kanya na ito ang trend ngayon at talagang marami ang nahuhumaling sa panonood ng boy’s love series at movies.

“That’s really interesting. Someone offered me that during the lockdown but the theme is just too wild for me.

“Sana yung kaya ko lang, maybe next time with the right material,” pahayag pa ng Kapuso star.

Sino kaya ang bagay na makatambal ni Mark kapag pumayag na siyang magbida sa isang BL project? May suggestion ba kayo dear BANDERA readers?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending