Netizens napamura sa teaser ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, siguradong tatabo na raw sa takilya, hahakot pa ng awards
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Kathryn Bernardo at Dolly de Leon
NGAYON pa lang ay marami na ang nagsasabi na tatabo sa takilya at hahakot ng acting awards si Kathryn Bernardo para sa bago niyang pelikula mula sa Star Cinema.
Ang tinutukoy namin ay ang highly-anticipated comeback movie ni Kathryn na “A Very Good Girl” kung saan makikipagtagisan siya ng aktingan sa award-winning actress na si Dolly de Leon.
Last Friday, August 4, talagang inabangan ng mga fans at social media followers nina Kath at Dolly ang dalawang teaser ng pelikula sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
In fairness, napamura at napa-wow talaga nang bonggang-bongga ang mga nakapanood nito at halos lahat ay nagsabing isa na naman itong blockbuster hit in the making.
Sa katunayan, umabot agad sa 11 million views ang teaser ng “A Very Good Girl” sa social media platform na X (dating Twitter) sa loob lamang ng 24 oras. Naging number one trending topic din ito sa buong Pilipinas.
Sa trailer-teaser pa lang kasi ay kikilabutan ka na sa mga ipinakitang eksena nina Kathryn at Dolly na gaganap sa pelikula bilang sina Philo at Molly, respectively.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa social media at sa Facebook page ng BANDERA.
“I’m happy for you IDOL.. keep up rhe good work.”
“Hihintayin ko itong movie nato. good job my idol god bless ninyong dalawa ni Dj.”
“It was Bea Alonzo Before na Hinangaan ko Talaga. Pero Iba talaga si Kathryn Bernardo! Parang sa Ate V. Hahagulgol Ka talaga pag iiyak din Siya! Galing Sobra!”
“Legit super Galing sobraa. Yung mura talaga ang lala. Good combination Kathryn BernardoxDolly de Leon perfect!”
“Been saying this for years now. Kathryn Bernardo has always had the range. She was just not given the opportunity. This is amazing!”
“This gave me the chills!!! Ibang iba atake ni Kathryn Bernardo dito at syempre Ms. Dolly De Leon! I’m excited for this.”
“Nakakatuwa nmn tlga ang batang ito,panay ang dating ng blessings palibhasa batait at hindi mayabang, more blessings to come Kath. we love you always.”
“Kathryn Bernardo will always be THAT girl. Mad proud of her growth as an artist––as the saying goes, good things come to those who wait.”
“Let’s see kung malalampasan neto sa boxoffice ung Hello Love Goodbye with alden!”
Showing na ang “A Very Good Girl” sa mga sinehan nationwide simula sa September 27. Kasama rin dito sina Angel Aquino, Chie Filomeno, Gillian Vicencio, Jake Ejercito, Ana Abad Santos, at marami pang iba.