Chito Miranda diretso-uwi sa pamilya after ng gig, plus pogi points sa netizens: ‘Idol! Being a father is more important’

Chito Miranda diretso-uwi sa pamilya after ng gig, plus pogi points sa netizens: ‘Idol! Being a father is more important’

PHOTO: Instagram/@chitomirandajr

MULING hinangaan at sinaluduhan ng maraming netizens ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Ito ay matapos niyang ibandera na mas pinili niyang umuwi agad sa pamilya matapos ang kanyang show kamakailan lang.

Caption pa niya sa Instagram post, “Salamat, Lancaster, sa napakasayang gig! [happy face emoji].”

“Sorry kung umuwi na ako after our set…gusto ko pa sana tumambay at mag-jam with Kamikazee, pero I also really wanted to go home [peace sign, crying face emojis],” dagdag pa niya.

Kalakip din niyan ay ‘yung screenshot ng text message ni Chito sa kanyang kaibigan at bokalista ng bandang Kamikazee na si Jay Contreras.

Mababasa na humingi siya ng sorry kay Jay dahil kailangan na raw niyang umuwi agad.

“Jay! Sorry nauna na ako! Gusto ko sana mag-jam pero medyo napagalitan ko si Miggy kanina. Medyo na-guilty ako kaya gusto ko talaga umuwi. Hirap explain kaya minessage ko na sayo,” mensahe ni Chito sa kaibigan.

Baka Bet Mo: Neri, Chito 7 years nang kasal: You are the best dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa!

Dahil diyan ay muling naantig ang maraming netizens sa pagiging magandang halimbawa ni Chito bilang ama at asawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Idol! [tears holding back emoji] Being a father to Miggy is more important than being with friends. We applaud you for this, sir Chits!”

“Kaya idol kita kasi kakaiba ikaw! Family first bago lahat!”

“I appreciate how genuine you are, idol, also how responsible man of the house you are. Kaya siguro you are always blessed. Please live long and stay healthy!”

Kung maaalala, ikinasal si Chito at ang kanyang misis na si Neri Naig noong December 2014.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Miguel Alfonso at Manuel Alfonso.

Related Chika:

Melai Cantiveros may ‘acting gig’ sa South Korea, hirit ng kapwa celebs: ‘Iba! International star na!’

Read more...