Max Eigenmann, filmmaker Carlo Obispo big winner sa ASEAN film festival 2023
NAGBIGAY ng karangalan sa bansa ang aktres na si Max Eigenmann at filmmaker na si Carlo Obispo.
‘Yan ay matapos silang mag-uwi ng parangal mula sa “ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2023” na naganap sa Malaysia noong August 4.
Si Max ang nakapag-uwi ng “Best Actress” award para sa kanyang pagganap sa 2022 film na “Kargo.”
Ang mga natalo niya ay mula sa mga bansang Indonesia at Vietnam, pati na rin ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia.
Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!
Lubos ang pasasalamat ni Max sa natanggap na pagkilala at proud na ibinandera sa Instagram ang nakuha niyang tropeo sa naturang film festival.
“Thank you thank you thank you @aiffa_official for this wonderful recognition! Cheers to my ‘KARGO’ team! This one is for all of us,” wika niya sa IG caption.
View this post on Instagram
Para sa kaalaman ng marami, ang istorya ng pelikulang “Kargo” ay umiikot sa kwento ni Sara ang karakter ni Max na nakatakdang maghiganti matapos masawi ang kanyang pamilya sa isang motorcycle accident sa Iloilo.
Samantala, si Carlo naman ang itinanghal na “Best Director” para sa pelikulang “A Basketball Player.”
Ang mga nakalaban niya sa naturang kategorya ay ang dalawa pang direktor mula sa Pilipinas na sina Christian Paolo Lat at Luisito Ignacio, pati na rin ang mga nagmula sa bansang Indonesia at Malaysia.
Ang pelikula ni Carlo ay kabilang sa 2022 Cinemalaya full-length category na tungkol sa isang batang Moro soldier na may pangarap na maging isang basketball player.
Related Chika:
Miss PH Samantha Bernardo: Isang karangalan mahal kong Pilipinas…I know I did my best
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.