Jomari suportado ang pagiging car racer ni Andre: ‘Hindi ko na-influence yung bata but it’s a gift at hilig niya talaga’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Andre Yllana at Jomari Yllana
“LIKE father, like son” talaga ang peg ng mag-amang Jomary Yllana at Andre Yllana, lalo na pagdating sa pagkaadik sa car racing.
Isa si Andre sa mga nakipaglaban sa car racing event na Motorsport Carnivale 2023 last week na in-organize mismo ng kanyang tatay.
Kuwento ni Jom, talagang manang-mana sa kanya ang anak nila ni Aiko Melendez sa pagiging car racer dahil tulad niya, bata pa lang ay mahilig na ang binata sa mga sasakyan.
“Nagsimula sa heavy equipment yung mga laruan niya. And then four years old puro kotse. Tapos dire-diretso yan. Hindi ko iniimpluwensiyahan mag-motor sport pero du’n din siya napunta.
“Siyempre yung mga karerang pinupuntahan niya sa Batangas Racing Circuit at saka sa Clark ‘di ba? He’s always there, laging kasama nating nanonood. Yun din ang gusto niya,” lahad ng konsehal ng Parañaque City about Andre.
Pero paglilinaw ng aktor at public servant, “Hindi ko naman na-influence yung bata. Hilig lang niya talaga. It’s in him and yung mga sinasalihan niya in the beginning when he was 18, he tried drag racing sanctioned events.
“Kapag drag racing straight line lang yan di ba? So he was enjoying it. I didn’t expect na magugustuhan niya all throughout.
“Kami yung nagulat eh, kasi meron yung mga bata. It’s a gift. It’s a special gift given so it’s our responsibility as magulang to nourish and develop that. Nandito kami sa sitwasyon na yun na ibibigay yung support kasi we see the potential in them.
“He’s always guided naman, to borrow cars in the garage and try it out. He would go karting local, minsan international susubukan niya and then ikukuwento niya sa akin. Ever since, ang hilig nung bata parang ako eh. Since he was five ang gusto niyang laruan mga cars,” pagbabahagi pa ni Jomari sa ginanap na presscon ng Motorsport Carnivale.
At dahil super impressed nga si Jom sa anak, “Meron akong paboritong kotse pinamana ko sa kanya mga 10 years ago. And then si Toyota tumatawag, sabi, ‘Sir Jom, baka ho meron kayong sepanx?’
“Sabi ko, ‘Ano yung sepanx?’ Hindi ko pa nga alam, eh. ‘Eh kasi ho yung Toyota Corolla ninyo nu’ng panahon ninyo eh pinamana n’yo na sa anak niyo.’ Nag-viral kasi it was on Instagram and all that.
“He’s very active. He likes the brands that I used to use nu’ng former racing team ko. Ito yung racing team ko na nag-manage sa akin nung time na factory driver ako,” aniya pa.
Aminado naman sina Jomari at Aiko na kinakabahan din sila kapag may competition si Andre, “Yung fear naman sa magulang hindi mo naman matatanggal. Lagi naman may fear yan. Lalo na pag competitive racing.
“It’s how you handle it lang din eh kasi it’s not just a hobby or a sport. It’s a full commitment. If you really want to compete, you have to go to yung level na professional.
“And when you say professional, it’s about spending a lot of money. Where do you get it? You don’t get it from your pocket. You get it from sponsors and ang mag-fu-fuel sa iyo is of course yung talent mo, image mo, kung papano ka pini-present.
“Para kang produkto, model product. Pag mas nananalo ka, mas darating ang sponsors. Kasi pag-hobby hobby lang hindi naman namin kaya gastusan yan. So yung pinu-push ko kay Andre, towards the right direction na you put it sa level ng professional para dun ka sa direction na napakaganda,” sabi pa ng aktor.