'Naku, Rendon Labador...mag-ingat ka sa mga aria mo, ayaw na ayaw mo pa naman sa tanga, di ba?!' | Bandera

‘Naku, Rendon Labador…mag-ingat ka sa mga aria mo, ayaw na ayaw mo pa naman sa tanga, di ba?!’

Alex Brosas - August 07, 2023 - 07:47 AM

'Naku, Rendon Labador...mag-ingat ka sa mga aria mo, ayaw na ayaw mo pa naman sa tanga, di ba?!'

Rendon Labador

SELF-PROCLAIMED motivational speaker Rendon Labador was obviously pissed off kasi he felt alluded to sa isang Instagram story ni Ion Perez.

Sa kanyang Instagram Story kasi ay ito ang message ni Ion, “Ilabas ang resibo!! Gusto ako nyan kaya siya ganyan.”

With this, inisip ni Rendon na siya ang pinapatamaan ng “It’s Showtime” host lalo pa’t mainit ang kanyang aria against him and Vice Ganda dahil sa pag-lick nila ng cake sa noontime show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang Rendon, biglang nagpaskiat.  Biglang naghamon ng suntukan kay Ion  as can be seen in his Facebook page, “Oo gusto kita! Gusto kong basagin yang pag mumuka mong hayup ka! Suntukan tayo! G?!” paghamon ni Rendon kay Ian.
challenge ni Rendon.

Paliwanag ni Rendon, tatantanan na sana niya ang isyu sa pagdila nina Ion at Vice ng icing sa “It’s Showtime.”

“Ayaw ko sanang patulan kasi nonsense na, sinita ko lang kayo kasi duty ko ang mag tama ng nakikita kong mali. Wala naman akong pakialam sa kahayupan ninyong dalawa, prinoptotektahan ko lang ang mga batang nanunuod.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

“Pero kung ako pinariringgan mo sa IG story mo at matapang ka talaga. Suntukan tayo! G?!” say pa ni Rendon.

We research about Rendon on social media and we chanced upon a short video nang harapan nila ni Mr. Mainit na isa ring Youtuber.

Na-sight namin kung gaano katapang si Mr. Mainit dahil nang sumayaw ito at kumuha ng isang guy para sa kanyang dance number, ibinalibag niya ang guy sa nakaupong si Rendon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In another video, ang sagupaan nila sa Battle of the YouTubers na basketball event, muling ipinakita ni Mr. Mainit ang kanyang angas. One-on-one ang labanan nila ni Rendon.

Sa game nila, tila napikon si Mr. Mainit dahil nasapul siya sa panga ni Rendon.  Agad-agad siyang rumesbak at sinapak si Rendon. Tinamaan ang ilong ni Rendon at nagdugo. Ni hindi ito nakaresbak kay Mr. Mainit.

Sa isa pang video, napanood namin kung paano basagin ng actor at content creator na si Rob Moya, anak ng dating “That’s Entertainment” member na si Jovit Moya, si Rendon.

Ipinagtanggol kasi ni Rob si Coco Martin laban sa aria ni Rendon na may ilang nagrereklamong vendor na nawawalan ng kita kapag may taping ng “Batang Quiapo”. Ang nakakaloka, hinamon pa ng suntukan ni Rob si Rendon at hindi naman pumalag ang motivational speaker.

Pero ang higit na nakakaloka ay ang hirit ni Rob na magbayad ng utang si Rendon sa ilang kaibigan nilang pinagkakautangan nito.

So, what’s the latest about Rendon?
Well, tsinugi na pala siya sa Episode resto na kanyang kinabibilangan. Naglabas na ng official statement ang nasabing resto na tinanggal na nila si Rendon sa kanilang business.

Hindi nga ba’t nilangaw ang opening ng resto dahil tila pinagkaisahan ito ng mga fans ni Coco Martin. Hindi ba’t may statement pa si Rendon na pinersonal siya ng mga fans ni Coco.

Teka, ‘di ba sabi ni Rendon ay gusto niyang patalinuhin ang mga Pilipino?

Sa isa niyang aria kung saan sinita niya ang sinasabi niyang pambabastos ni Joey de Leon sa isang female contestant dahil sinabi ni Joey na minsan ay gusto naman niyang sakyan ang contestant, pinaalalahanan niya ang MTRCB chairman na si Lala Sotto na bigyan ito ng action.

Ang kaso, nangyari ang insidente years ago, noong hindi pa MTRCB chairman si Lala Sotto so paano niya aaksyunan ang isang bagay na hindi naman nangyari during her term.

Naku, Rendon, mag-ingat ka sa mga aria mo. Ayaw na ayaw mo pa naman sa tanga, ‘di ba?

Tuesday Vargas naglitanya tungkol sa isyu ng respeto sa nakatatanda matapos ang pasabog ni Dina sa ugali ni Alex

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga walang-wala sa kabaitan at pagiging humble ni Joseph Marco: ‘Never ko siyang nakitaan ng attitude’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending