MULING nag-trending sa social media ang actress-comedienne na si Melai Cantiveros, pati ang kanyang mga anak matapos makauwi sa Pilipinas mula sa bakasyon sa South Korea.
Pero imbes na matuwa, maraming netizens ang nadismaya sa naging kulitan ng mag-iina habang nasa waiting area sa isang airport.
Viral ang Instagram Story ni Melai na kung saan ay sinabihan siyang mukhang unggoy ng panganay na anak na si Ate Mela.
“Guys nagbibili si mama ng beauty products pero mukha pa rin siyang unggoy,” sey ni Mela sa kanyang ina.
Sumagot naman si Melai na, “napakabastos.”
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’
MELAAAAAAAAAAAAAAA 😭😭😭 #KeepingUpWithTheChickenNuggets pic.twitter.com/onnLPINQK4
— ALTStarMagic 💫 (@AltStarMagic) August 4, 2023
Ang video na ‘yan ay ibinahagi mismo ng All Star Magic sa Twitter at diyan makikita ang mga naging komento ng ilang netizens na tila pinagsabihan pa si Melai.
Lahad ng isang Twitter user, “I really think we should not tolerate kids bullying other people. If we normalize this kind of behavior, they will think it’s ok. Possible napagsabihan ni Melai yung daughter niya after this. I know Melai and Jason are good parents.”
Hirit ng isang netizen, “Make boundaries, parents deserve to be respected all the time.”
Sambit naman ng isa pa, “Melai you have to set a boundary with your children. Parents can be like friends to our children pero dapat make them know & understand na rumespeto pa rin sa magulang. To be funny is different from being bastos. Sorry nanay din ako, I won’t let my kids talk me down like that.”
Nakarating siyempre ‘yan mismo kay Melai at agad niyang nilinaw na nagbiruan lamang sila sa naturang video.
Sa Instagram, ibinandera ng komedyana ang isang video na kung saan ay tinanong pa niya ang anak kung seryoso ito sa kanyang sinabi.
Sey ni Melai, “Dahil trending na ulit tayo, tatanungin natin si Ate Mela. Ate Mela do you mean it to say that your mama is a monkey?”
Sagot sa kanya ng panganay, “Hindi mama. I love you naman. Prank lang ‘yun. Joke joke lang ‘yun.”
Tugon naman agad ng aktres, “Ayan. Joke lang kasi ‘yun guys. Sa mga hindi nakakaintindi, papaintindi ko sa inyo ha. Joke joke lang ‘yun guys. Ganun talaga ‘yung happiness namin, ‘yung kulitan naming family.”
Singit na sabi naman ni Ate Mela, “We’re the kulit family.”
Sumang-ayon naman sa kanya si Melai at sinabi pang, “The most kulit family, pero ‘yang mga bata na ‘yan ang pinakamabait. Ako bilang ina, ‘yan ang pinakamabait na bata sa lahat pag sinabi kong behave, behave ‘yang mga ‘yan. Parang robot ang mga ‘yan.”
“Huwag na kayo sobrang mag-over react kasi alam niyo, minsan dapat i-enjoy niyo dapat ang life. Huwag ‘yung konting kibot nagre-react kayo kasi life is enjoying,” sambit pa niya sa mga nang-bash sa kanila.
Aniya pa, “Shine-share na nga namin ang life namin pero kayo naman over niyo mag-react. Kung hindi niyo naiintindihan ang aming happiness, ang aming kulitan edi huwag nalang kayo mag-react ng sobra kasi pangit naman ‘nung iniisip niyo.”
Mababasa naman sa IG caption ni Melai na hindi na raw sana siya magre-react sa mga nakita niyang komento tungkol sa kanila, pero hindi naman daw siya papayag na ma-bash ang kanyang mga anak.
“Mga Kamsamii di na sana ako mag-react pero pag anak na ang pag-usapan ‘di pwede guyssssssss. Kasi bata lang ang anak ko guys,” wika niya sa post.
Lahad pa niya, “‘Di ako papayag na kung ano-ano sasabihin niyo sa anak ko dahil ako ang dumidisplina sa mga anak ko, kilala ko mga anak ko madasalin mga ‘yan pati mundo pinagdarasal nga ng mga ‘yan [folded hands emoji].”
“Disiplinado mga ‘yan at Masayahin, alam nga mga anak ko guys kung kailan ang kulitan at kailan ang seryosohan,” aniya pa.
Related Chika:
Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?