Robi hugot na hugot: ‘Kung saan walang-wala na, kung saan pagod na pagod at bagsak na baksak, doon lalabas ang totoong Kapamilya!’

Robi hugot na hugot: 'Kung saan walang-wala na, kung saan pagod na pagod at bagsak na baksak, doon lalabas ang totoong Kapamilya!'

Robi Domingo

HINDI rin naging madali para sa Kapamilya star na si Robi Domingo ang makarating sa estado na kinaroroonan niya ngayon sa entertainment industry.

Mula sa pagiging housemate sa “Pinoy Big Brother” noong 2008, hanggang sa maging isa sa pinagkakatiwalaan at hinahangaang TV host ngayon, napakarami ring pinagdaanang pagsubok at paghihirap ni Robi.

Itinuturing nang ikalawang tahanan ng binata ang ABS-CBN kung saan mahigit dalawang dekada na siyang “naninirahan” at abot-langit ang pasasalamat niya dahil until now ay nananatili pa rin siyang Kapamilya.


“I have regarded this place to be my home and it will continue to be my home and with you guys, I am with family,” ang pahayag ni Robi pagkatapos niyang pumirma uli ng kontrata sa ABS-CBN.

“As a host, as a talent on stage, it is not just up to me. The show became good because of the people who made that possible and I’m talking about the people on cam and off cam,” aniya.

Pag-amin pa niya, “Ang daming beses ko na umiyak sa ABS-CBN because I needed to learn it the hard way and the long way.”

Baka Bet Mo: Nadine naisip na ring mag-quit noon sa showbiz, nagsawa sa paulit-ulit na ginagawa: ‘Ayoko na, pagod na pagod na ‘ko’

Samantala, nabanggit din ni Robi sa ulat ng ABS-CBN, napakarami niyang realizations nang magsara ang kanyang mother network noong 2020 at sinabayan pa ng COVID-19 pandemic. Nawalan sila noon ng trabaho at pagkakakitaan.

“Ang important ay to be there. The truest and realest meaning of being a Kapamilya. Kung saan walang-wala na, kung saan pagod na pagod na, bagsak na baksak, doon lalabas ang totoong Kapamilya,” aniya pa.


Tungkol naman sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, “I prayed about it and for it. I said na my values are aligned with this company and this company only. Unless the ship is not floating, doon na ako mag-jump ship. I would fight for them or with them.”

At sa patuloy niyang paghataw bilang Kapamilya, “I want to host a game show about knowledge naman. I think it is high time for us to bring back the golden age of game shows where people would be rewarded because they know stuff. We need thinking Filipinos.

“With that, we need a game show. I want to be one of those who mount that too. It is a good foundation to have especially viewing habits of kids right now, kailangan natin values.

“I would also love to do stints not rom-coms but sitcoms, ‘Palibhasa Lalake,’ ‘Okidokidok,'” aniya pa.

Kilalang female celeb mukha na raw ‘padede mom’ dahil sa bagsak na boobs

Coco Martin umamin: Napapagod din ako, nagagalit din ako…pero alam kong tama naman yung ginagawa ko

Read more...