Coco Martin umamin: Napapagod din ako, nagagalit din ako...pero alam kong tama naman yung ginagawa ko | Bandera

Coco Martin umamin: Napapagod din ako, nagagalit din ako…pero alam kong tama naman yung ginagawa ko

Ervin Santiago |January 30,2023
facebook
share this

Coco Martin umamin: Napapagod din ako, nagagalit din ako…pero alam kong tama naman yung ginagawa ko

Ervin Santiago - January 30, 2023 - 08:25 AM

Coco Martin umamin: Napapagod din ako, nagagalit din ako...pero alam kong tama naman yung ginagawa ko

Coco Martin at Lovi Poe

WALANG pag-aalinlangang inamin ng Teleserye King na si Coco Martin na nakakaramdam din siya ng matinding pagod dahil na rin sa dedikasyon niya sa kanyang trabaho.

In fairness, sino naman ang hindi mapapagod sa ginawa ni Coco sa pitong taong pag-ere ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN kung saan hindi lang siya artista kundi creative consultant at direktor pa.

Tao lang din naman daw siya na nauubusan ng energy pero sa tuwing nakakaramdam siya ng pagod ay nilalabanan niya ito para maging inspirasyon sa kanyang mga kasama sa trabaho.

“Napapagod din ako. Nagagalit din ako. Pero ang laging nag-i-inspire sa akin is kapag alam kong tama yung ginagawa ko.

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Lalo na kapag meron akong proyektong ginagawa na alam ko na nai-inspire ko rin yung mga katrabaho ko o yung grupo ko, mga co-actors ko,” sabi ng premyadong aktor.

Aniya pa, “Natutuwa lang ako kasi alam ko na kahit yung mga veteran actors na katrabaho ko nai-inspire ko pa rin sila.

“Siguro dahil sa pagiging energetic ko kasi hindi ako puwedeng makita nila na mahina, eh, na babagal-bagal at tatamad-tamad.

“Kasi mas gusto kong ipinapakita sa kanila na kapag nasa trabaho, trabaho talaga. Kasi binabayaran ang ginagawa namin dito, eh,” chika pa ni Coco.

Napi-feel daw niya ang stress at pagod kapag tapos na ang trabaho at nasa kotse na siya para umuwi, “Kapag sumakay na ako ng sasakyan doon na nagsa-shutdown lahat. Siyempre do’n mo na ma-absorb yung pagod, yung stress, lahat ng pinagdaanan mo.

“Pero sabi ko nga, ayoko na haharap ako sa tao o kahit kanino na ipapakita ko na parang wala akong gana.

“Gusto ko pag nakita nila ako, ‘Siya nga napakaraming ginagawa pero never namin siyang nakitang parang wala sa mood o tinatamad.’

“Gusto ko sa akin magsisimula yung saya o yung positivity ng mga kasama ko sa trabaho. Kaya sa bawat proyekto ko lampas 100 percent.

“Lahat ng naiisip ko, nai-imagine ko, lahat ng sipag binibigay ko na. Kasi pag natapos na yon hindi mo na mababalikan.

“Kapag hindi mo ibinigay yung 100 percent mo manghihinayang ka. Kaya ako laging tinotodo ko na po. Isang bigayan na lang lahat,” saad pa ng aktor na siyang bagong ambassador ng pharmaceutical brand na RiteMed, ang kapalit ng namayapang movie queen na si Susan Roces.

Very soon ay muling mapapanood si Coco sa telebisyon, siya ang bibida sa ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo”.

Makakasama niya rito sina Lovi Poe, Lito Lapid, Charo Santos, Cherry Pie Picache, Lito Lapid at marami pang iba, mula sa Dreamscape Entertainment at CCM Film Productions na pag-aari ni Coco.

Nadine naisip na ring mag-quit noon sa showbiz, nagsawa sa paulit-ulit na ginagawa: ‘Ayoko na, pagod na pagod na ‘ko’

Nikko Natividad suspended sa TikTok, muling kinabog si Elisse Joson

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryza Cenon sa pagiging ina: Matutulala ka na lang sa pagod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending