Kilalang female celeb mukha na raw 'padede mom' dahil sa bagsak na boobs | Bandera

Kilalang female celeb mukha na raw ‘padede mom’ dahil sa bagsak na boobs

Reggee Bonoan |November 24,2021
facebook
share this

Kilalang female celeb mukha na raw ‘padede mom’ dahil sa bagsak na boobs

Reggee Bonoan - November 24, 2021 - 12:00 PM

“DAPAT alagaan ni _____ (kilalang aktres) ang sarili niya kasi mukha na siyang nanay na nagpadede ng ilang anak!” ang warning ng aming source sa isang female star.

Nakasama ng aming source ang aktres na nabiyayaan ng ganda at bait sa isang lock-in taping kaya naobserbahan niya lahat ang tungkol sa dalaga.

Kapag araw ng pahinga ay nakaordinaryong bihis lang ang aktres at doon napansin na bagsak na ang hinaharap nito na kapag naglalakad ay gumagalaw pa.

Sabi ng aming source, “Iniisip nga namin baka hindi maganda ‘yung bra na suot? O sadyang bagsak na?”

Sumang-ayon kami sa tsika ng source na baka nga hindi maganda ang bra na suot kaya bagsak ang kanyang dibdib na puwede talagang mangyari.

May mga nakakausap kasi kaming babaeng artista na minsan kapag wala silang lakad ay mas gusto nila ng walang bra para nakakahinga ang mga dibdib nila dahil nasasakal kapag nakasuot sila ng bra.

Tsinek namin ang mga larawan ng aktres sa kanyang Instagram account at hindi naman halata kasi mahilig siyang magsuot ng blazer.  At ‘yung ibang kuha ay naka-sleeveless naman at okay din ang hinaharap niya.

Ayon daw sa stylist ng aktres kapag nagbibihis siya ay may inilalagay sa may boobs kaya kapag take na ay nakatayo ito at hindi bagsak.

Naikuwento rin ng aming source na kapag day-off o araw ng pahinga ng mga artista ay laging kasama ng aktres ang aktor sa kanyang pad na may veranda at nagkukuwentuhan sila hanggang hatinggabi.

“Me inumang nagaganap do’n sa dalawa minsan may kasama sila pero kadalasan silang dalawa lang ang nagtsi-tsikahan,” say ng aming source.

Nagkadebelopan ba ang aktor at aktres? “Puwede kasi enjoy sila sa isa’t isa. Tapos maraming nakakarinig na nagyayaya si ______ (aktor) ng dinner at gimik paglabas daw nila sa bubble taping.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang “bagay na hindi” sina aktor at aktres o mas bagay kasi siya sa rati niyang boyfriend na hiniwalayan niya years ago at wala naman kaming nabalitaang na-link sa dalaga after ng hiwalayan nila ng dating karelasyon.

Beking direktor nakaiskor sa 2 young actor kapalit ng bagong project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending