Benjamin Alves ibinandera ang first-ever nomination, kakasa bilang ‘Best Supporting Actor’ sa Malaysia

Benjamin Alves ibinandera ang first-ever nomination, kakasa bilang ‘Best Supporting Actor’ sa Malaysia

PHOTO: Instagram/@benxalves

TILA dream come true para sa Kapuso actor na si Benjamin Alves ang kanyang latest milestone sa showbiz career.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nominado siya bilang “Best Supporting Actor.” 

At ang big news pa riyan, ang nakapansin sa kanyang talento sa pag-arte ay isang international film festival na naka-base sa Malaysia – ang Asean International Film Festival & Awards (AIFFA).

Ang nominasyon ni Benjamin ay dahil sa kanyang pagganap sa 2022 Cinemalaya movie na may titulong “Angkas” na nominado rin bilang “Best Screenplay” sa naturang filmfest.

Sa pamamagitan ng Instagram ay proud itong inanunsyo ng Kapuso actor at sinabi pa niya na masarap sa feeling ang mapansin makalipas ang mahigit isang dekada sa showbiz industry.

Baka Bet Mo: Benjamin Alves naaawa sa mga batang sumasailalim sa online classes

“My first acting nomination! [red heart emoji],” wika niya sa post.

Sey pa niya, “After 11 years, it does feel good that somehow you’re being noticed. Thank you to @aiffa_official for the nomination.”

“It was already a pleasure just being invited to attend the festival,” saad niya sa IG.

Aniya pa, “To all the nominees for the Philippines, MABUHAY! [emojis]”

Makikita rin sa mismong post ng aktor ang ilan pa sa mga makakalaban niya sa naturang kategorya at kabilang na riyan ang isa pang Pinoy actor na si JM San Jose Bautista, pati na rin ang ilan pang artista mula sa Malaysia at Indonesia.

Bukod diyan, nominado rin bilang “Best Actress” sa nasabing international filmfest si Coleen Garcia para sa pagbida niya sa “Kaluskos” at si Max Eigenmann para naman sa “Kargo.”

Lalaban naman sa “Best Actor” award ang Pinoy actors na sina Andrew Ramsay ng “Ginhawa” at Tommy Alejandrino ng “The Baseball Player.”

Habang nakasali din sa “Best Supporting Actress” nomination ang Pinay actresses na sina Ruby Ruiz ng “Ginhawa” at Elora Espano ng “Walker.”

Ang gala night ng AIFFA Ay nakatakdang mangyari sa August 4 sa Pullman Hotel sa Sarawak, Malaysia.

Related Chika:

Read more...