Ogie Diaz sa patung-patong na reklamo laban kay Jeffrey Oh: Sana malusutan niya ‘yung pinagdaraanan niya…

Ogie Diaz sa patung-patong na reklamo laban kay Jeffrey Oh: Sana malusutan niya ‘yung pinagdaraanan niya…

Ogie Diaz, Jeffrey Oh

NAGPAHAYAG na ng saloobin ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz.

Ito ay kaugnay sa nahaharap na patung-patong na reklamo umano at deportation issue ng kasalukuyang talent manager ni Liza na si Jeffrey Oh.

Sa latest “Showbiz Update” na ibinandera noong August 2 ay isa nga ito sa tinalakayan nina Ogie kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.

Sa umpisa nga ay ayaw pang magsalita ni Ogie patungkol sa isyu na kinasasangkutan ni Jeffrey.

Sey pa nga niya, “Alam mo, no comment talaga. Kasi ‘yung iba parang tinitira ako, bina-bash ako kapag nagko-comment kaya no comment.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel

Pero dahil siya ay napilit ng dalawa niyang kasama ay nagdesisyon na ngang magbigay ng opinyon si Ogie.

“Kung totoo man ang balita na ‘yan, sana malampasan niya,” wika ng talent manager.

Dagdag niya, “Alam mo, kahit may nangyaring isyu dati na nakwestiyon pa ako, ‘yung kredibilidad ko, kinuwestiyon kung paano inalagaan si Liza noon mismo ni Mr. Jeffrey Oh, hindi naman para hangarin natin na mapasama pa siya diyan.”

“Sana malusutan niya, malampasan niya ‘yung kanyang pinagdaanan ngayon ‘yung pinagdaanan niya,” sey pa niya.

Magugunita noong July 28 ay napabalita ngang hinuli ng Bureau of Immigration (BI) si Jeffrey dahil hindi totoong nakarehistro umano ang kanyang pangalan sa Securities Exchange Commission (SEC) bilang owner ng Careless Management.

Nang hingan kasi siya ng proper documents ng ahensya ay wala siyang maipakitang papeles na nagsasabing pwede siyang magpatakbo ng negosyo dito sa bansa dahil isa siyang American citizen.

Tinalakay rin ‘yan mismo ng komunistang si Cristy Fermin sa kanyang YouTube vlog na “Cristy Ferminute” at ikinuwento ang nangyari.

“Ito po ay nakarating sa akin noong Biyernes, Hulyo 28 na ‘yun pong bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh ay pinuntahan ng mga alagad ng batas sa kanyang opisina sa Poblacion, Makati,” chika niya.

Kwento pa ni Nanay Cristy, “Inakyat siya roon ng mga otoridad dahil may mga reklamo laban sa kanya. Alam mo ba (baling sa co-host niyang si Rommel Chika) baka ipa-deport itong Jeffrey Oh, haharap siya sa deportation.”

“Paano hiningi ang mga dokumento sa kanya, wala pala siyang mga papeles na nagsasabi at nagbibigay ng kalayaan sa kanya to operate business in the Philippines. Wala rin siyang SEC registration, wala!” sey pa niya.

Rebelasyon pa niya, “Ang lakas-lakas (ng loob) na minanage-manage si Liza at ang iba pa (talents ng Careless) wala ka naman palang dokumento para ipakita na may kalayaan kang magnegosyo dito sa Pilipinas. Grabe, nakakaloka!”

Kasunod niyan ay kinumpirma na rin ni Nanay Cristy na ang taong isa sa nagrereklamo ay ang ama ng business partner niyang si James Reid na si Ginoong Malcolm Reid dahil ito ang nangangasiwa sa kinikita ng anak.

Related Chika:

True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?

Read more...