Hirit ni Vice sa paghataw ni Bianca Umali sa Showtime: ‘Ang daming nag-resign dahil sa mukha ko, pero sa mukha mo ang daming pumasok nang maaga!’

Hirit ni Vice sa paghataw ni Bianca Umali sa Showtime: 'Ang daming nag-resign dahil sa mukha ko, pero sa mukha mo ang daming pumasok nang maaga!'

Bianca Umali at Vice Ganda

TULOY ang pag-apir at paghataw ng mga Kapuso stars sa noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GTV Channel ng GMA 7.

Kahapon, August 1, super happy ang mga host ng programa na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu at Ogie Alcasid sa guesting ng Kapuso actress na si Bianca Umali.

Nagpakitang-gilas sa madlang pipol ang dalaga sa kanyang sexy dance production number na “Dangerous Woman” ni Ariana Grande with her leather crop top, leather shorts, at thigh-high leather boots OOTD.


Hirit ni Vice pagkatapos ng number ni Bianca, “I’m sure madaming madlang people ang naka-appreciate ng prod mo. Ang galing mo and ang ganda mo!

“Lahat kami happy dito. Hindi lang mga cameramen, kaming mga staff, mga host.

“Parang close na close mo yung mga cameramen. Close-up na close-up! Fourteen years na ako dito, apat lang ang close-up ko. Kasi yung mga cameramen namin inspired kapag nakakakita sila ng maganda.

“Yung mukha ko, ang dami nag-resign dahil sa mukha ko. Pero sa mukha mo, ang dami pumasok nang maaga!” ang boring hirit pa ng Phenomenal Box-office Star na ang tinutukoy ay ang mga cameramen at staff ng kanilang show.

Baka Bet Mo: Tambalang Kim Chiu-Xian Lim posible nang mapanood sa GMA 7; Anne emosyonal sa pagbabalik-Kapuso

“We’re so happy that you are here!” ang mainit na pag-welcome pa ni Vice sa girlfriend ng isa pang Kapuso star na si Ruru Madrid.

Pag-amin naman ni Bianca sa guesting niya sa “It’s Showtime”, “Kinakabahan talaga ako mula kagabi pa. Naisip ko, pag makita ko na sina Meme Vice kakabahan ako lalo, pag nakita ko sina Kuya Vhong, sila Ate Kim.


“Pero nu’ng nakatungtong na ako, ang saya. Kasi it’s new doors, new opportunities opening for everyone. Ngayon, eto, sama-sama tayong lahat. Ang sarap po sa puso,” pahayag pa ng dalaga.

Chika naman sa kanya ni Vhong, “Huwag ka mahihiya. Extension ito ng bahay mo sa GMA.”

Pagsang-ayon ni Vice, “Ito magandang nangyari sa pagpasok natin sa GTV. Ang dami nating mga bagong kaibigan. Na-extend. Lumaki nang lumaki, tapos nae-expose na yung madlang people sa mga talents nila, at tayo nakikita din tayo ng audience ng GTV. Nakakatuwa. Share-share!”

Samantala, natanong din ang Kapuso actress kung sino sa mga Kapamilya star ang nais niyang maka-work kung mabibigyan ng chance. Ang “ultimate dream” daw niyang makatrabaho ay si Piolo Pascual.

Hirit naman ni Kim, “Mahaba pila du’n, Bianca!”

Sabi naman ni Bianca, “Kasi sobrang idol din siya ng lola ko. Pag makatrabaho ko siya, mahihingan ko ng video greet lola ko.”

Binati rin ni Vice sa programa ang iba pang Kapuso stars na nakilala at nakachikahan na niya, lalo na noong GMA Gala 2023, kabilang na sina Ruru, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, at Ken Chan.

Sey ni Bianca patungkol kay Vice, “Leader of the group namin ito.”

Singit ni Vhong kay Vice, “Mothering ka?!” Na sinagot naman ni Vice ng, “Ayan na naman, mothering! Isa siyang mother ng group!”

Hirit pa ni Vice, “Nililibre nila ako. Spoiled ako sa kanila.”

Birong hirit naman ni Kim, “Kaya pala di mo na kami isinasama sa mga lakad mo!”

“GMA young stars ang mga barkada ko ngayon!” ang tawa naman nang tawang sey ni Vice.

Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Pilot episode ng ‘It’s Showtime’ sa GTV pasabog, nagkaroon ng special guesting ang ilang Kapuso, Kapamilya stars

Read more...