Mariel Rodriguez pangarap maging drama actress tulad ni Claudine Barretto: ‘Ang problema lang…ang pangit ko pong umiyak’

Mariel Rodriguez pangarap maging drama actress tulad ni Claudine Barretto: 'Ang problema lang...ang pangit ko pong umiyak'

Claudine Barretto at Mariel Rodriguez

KNOWS n’yo ba kung ano ang ultimate dream noon ng TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla nang makapasok siya sa mundo ng showbiz?

Iisa lang daw ang gusto niyang mangyari nang finally ay matupad na ang pangarap niyang maging artista – yan ay ang maging magaling na dramatic actress tulad ni Claudine Barretto.

Sa pakikipagchikahan ng wifey ni Sen. Robin Padilla sa King of Talk na si Boy Abunda sa nakaraang episode ng “Fast Talk“, napag-usapan nila ang naging takbo ng kanilang relasyon noon bilang talent at manager.

Sey ni Tito Boy, naaalala pa niya nang tanungin niya noon si Mariel kung ano ang nais niyang maging career path sa entertainment industry.


“Ano ba talaga Mariel ang gusto mong mangyari sa buhay mo?” ang pag-uusisa raw ng premyadong TV host sa talent niyang si Mariel.

Ang tugon daw sa kanya ni Mariel, “I wanted to be Claudine Barretto.” Paliwanag naman ng asawa ni Robin, “I really wanted to be an actress, ‘yun talaga ‘yung feeling ko dramatic actress. The problem is ang pangit ko po umiyak.”

Baka Bet Mo: Mariel biktima rin ng body shaming: Pinakanakakainis ay yung sabihan ka ng, ‘Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka’

Aminado naman ang celebrity mom-entrepreneur na hindi niya keri ang ginagawang pagdadrama ni Claudine sa harap ng camera pati na ng iba pa niyang paboritong aktres.

“Hindi ‘yung parang bumabagsak lang ‘yung isa luha tapos ibibigay ‘yung dialogue, hindi po ganu’n,” seryosong chika ni Mariel.


Pero feeling ni Mariel, baka raw pagdating ng tamang panahon, lalo na kapag malalaki na ang mga anak nila ni Robin, pwede pa niyang babalikan ang napurnada niyang acting career.

“I wanted to be an actress, feeling ko babalik pa ako doon eventually kapag malaki na ang mga anak ko,” ang chika pa ng TV host.

Samantala, hinding-hindi rin daw makakalimutan ni Mariel ang unang-unang TV show niya, ito ang “Extra Challenge” na napanood noon sa GMA 7  kung saan nakasama niya bilang co-host si Paolo Bediones.

“My very first show on television was Extra Challenge on GMA 7,” ang pagbabalik-tanaw ng hands-on mom at online live seller.

Mariel Padilla nawindang sa school project ng anak: Nu’ng bata ako polvoron ang ginagawa

Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Read more...