Mara Lopez engaged na sa American boyfriend na si Chandler Booth, Isabel Lopez tuwang-tuwa: ‘Wishing you both much happiness!’

Mara Lopez engaged na sa American boyfriend na si Chandler Booth, Isabel Lopez tuwang-tuwa: 'Wishing you both much happiness!'

Mara Lopez at Chandler Booth

“LIKE mother, like daughter” ang peg ng mag-inang aktres na sina Maria Isabel Lopez at Mara Lopez pagdating sa pakikipagrelasyon.

Masayang ibinandera ni Mara sa buong universe ang engagement nila ng kanyang American boyfriend na si Chandler Booth kahapon, July 31.

Sa Instagram, ipinost ng award-winning actress ang mga litrato nila ng kanyang  fiancé na isang American businessman kalakip ang announcement na nag-propose na ito sa kanya.

Base sa Instagram post ni Mara, naganap ang marriage proposal sa kanya ni Chandler noon pang nakaraang linggo.

“Something special happened last week… We’re engaged! (ring and red heart emoji),” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

Siyempre, tuwang-tuwa naman ang kanyang ina, ang aktres at Bb. Pilipinas-Universe 1982 na si Maria Isabel Lopez. Nagbahagi rin siya ng litrato ng engaged couple sa Instagram.


Mensahe niya sa anak at future son-in-law, “Celebrating the engagement of my daughter @maralopezy to @thechandalier! Congratulations and wishing you both much happiness.”

Sa isang interview, nasabi ni Mara na malaki ang impluwensiya sa kanya ng pakikipagrelasyon ng kanyang ina sa isang foreigner. Amerikano rin ang partner ni Maria Isabel na si Jonathan Melrod.

Naniniwala siya na may “forever” din naman sa online dating, “Sa mga single, puwede namang mag-online dating. Hindi naman kayo puwedeng magkita, hindi kayo puwedeng mag-usap nang harapan.

“Parang yun ang safest way to meet people, di ba? Kasi, feeling ko, it’s possible naman to find love online.

“Nakita ko yun sa success ng relationship ng nanay ko at ng stepdad ko. Sobrang saya nila. Siyempre, feeling ko, sa online, hit or miss siya, e.

“Minsan, hindi natin alam, serial killer yung kausap mo. Siyempre, dapat you build trust muna, di ba? Nakita ko kasi kung gaano kasaya ang nanay ko sa stepdad ko. Sobrang supportive niya sa mga films ni Mama,” pahayag ni Mara.

Dimples ipinagsigawan sa buong universe kung gaano ka-proud kina Kathryn at Julia: ‘My Mara & Clara slaying life…’

Angeline handa nang mag-asawa: Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills!

Read more...