Lyca Gairanod nangalakal ng basura sa Amerika: ‘Ano kayo, sanay ako sa trabahong ganyan, ‘no!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Lyca Gairanod
KERING-KERI pa rin ng young singer-actress na si Lyca Gairanod ang mamulot ng basura at kalakal tulad ng ginagawa niya noong bata pa siya.
Muling naranasan ng dalaga ang pamamasura nang magtungo siya sa Amerika kamakailan. Pero hindi naman bumalik sa pagiging basurera ang singer, ito’y para lang gawing content sa kanyang YouTube channel.
Sa nasabing vlog, makikita ang pagpunta ni Lyca sa isang steel dumpster sa San Diego, California, para doon mangalakal ng mga bagay na itinapon na pero puwede pang pakinabangan.
Ayon sa dalaga, hahanap siya roon ng mga mga gamit na maaari pang mai-save para mapakinabangan niya pag-uwi ng Pilipinas.
In fairness, talagang hinalukay ni Lyca ang basurahan at inisa-isa ang mga bagay na pwede niyang magamit pa. Kitang-kita na sanay pa rin siya sa pangangalakal na ginagawa niya noong bata pa siya.
Komento nga ng mga netizens, patunay lang ito na hindi pa rin nakakalimutan ng “The Voice Kids” grand winner ang kanyang nakaraan at pinagmulan kaya naman patuloy daw siyang bine-bless ni Lord.
Ngunit may mga nagsabi rin kay Lyca na sana’y nagsuot din siya ng gloves bilang proteksiyon habang hinahalukay ang mga basura. Posible raw kasing magkasakit pa siya dahil sa ginawa niyang vlog.
Samantala, disappointed namam si Lyca dahil waley siyang nakuhang kahit anong bagay na maaari pa niyang pakinabangan.
“Yun lang ang pinuntahan namin dito ha? Yung dumpster, dumpster. Ano kayo, sanay ako sa trabahong ganyan, ‘no!” chika ni Lyca.
Nagtungo sa Amerika ang dalaga dahil isa siya sa mga naging special guest ni Arthur Nery sa US at Canada tour nito na nagsimula noong July 21 at natapos nitong July 29.