Calvin Harris, Sam Smith naglabas ng mala-’disco’ vibes na collaboration

Calvin Harris, Sam Smith naglabas ng mala-’disco’ vibes na collaboration

PHOTO: Courtesy Sony Music

SA ikatlong pagkakataon, muling nagkasama at nagkaroon ng collaboration ang dalawang sikat na international music artist na sina Calvin Harris at Sam Smith.

Ito ang bagong kanta na pinamagatang “Desire.”

Ang bagong collab ay ang follow-up song sa Platinum-selling single na “Miracle” na kung saan ay kasama naman diyan ni Calvin ang English singer na si Ellie Goulding.

Kalalabas lang ng nasabing kanta, pero nakatanggap na agad ito ng papuri mula sa Billboard dahil sa mala-late night club vibe nito.

Baka Bet Mo: Will Smith nag-sorry matapos sampalin si Chris Rock sa Oscars 2022: I was out of line and I was wrong

As of this writing ay tatlong araw na mula nang i-upload ni Calvin Harris ang official lyric video ng kanta sa YouTube at ito ay umaani na ng mahigit 330k views.

Libo-libong fans din ang napa-comment at marami sa kanila ay lubos na nagustuhan ang pagsasama ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I’m getting a 1990’s eurodance vibe here. A style of music I thought would never end in the 1990’s but will never die thanks to so many people who love it. I hope there are more songs or even a whole album with this sound.”

“Calvin and Sam have such great chemistry and talent. They make me feel their desire.”

“The combination of the talents of Sam Smith and Calvin Harris is a guarantee of success and a great musical hit. They both have a knack for creating songs with catchy and very original sound.”

Kung maaalala, unang nag-collab ang dalawa sa kantang “Promises” na inilabas noong 2018, at ang huli ay ‘yung single na “I’m Not Here To Make Friends” na kabilang sa kalalabas lang na album ni Sam.

Related Chika:

Sigaw ni Carla: Itigil ang paghuli, pagkatay, pagluto at pagkain ng aso! Ito po ay isang KRIMEN!

Read more...