Pia Wurtzbach ready nang ilabas ang isinulat na libro, may mga pasabog nga ba?

Pia Wurtzbach ready nang ilabas ang isinulat na libro, may mga pasabog nga ba?

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

FINALLY! Ready for launching na ang first-ever book ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach!

Makalipas ang tatlong taon ay natapos na niyang isulat ang nobelang may titulong “Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.”

Proud pa ngang binandera ni Pia sa kanyang Instagram account ang first page ng kanyang libro.

Ayon sa kanya, unang ilalabas ang nobela sa Pilipinas sa darating na Setyembre.

“A novel by Pia Wurtzbach…that sounds good [smiling face emoji],” masaya niyang caption sa IG post.

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach nakisali sa bagong app na ‘Threads’, chinika ang ‘worst experiences’ sa Twitter

Pagmamalaki pa niya, “Here’s a first look at the first page of my first book Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.”

“It will be available in the Philippines starting this September and will be released internationally by November 2023,” wika pa niya.

Bumuhos naman ang “congratulatory” messages sa latest milestone ni Pia at kabilang na riyan ang kapwa-beauty queens at celebrities.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Yay [raising hands emoji] congrats my queen [red heart, happy face emojis],” sey ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Excited din si Miss Universe 2015 second runner-up Olivia Jordan at sinabing, “I cannot wait to get my hands on a copy!!!! Congratulations sister! [folded hands, red heart emojis]”

“Looooove!!! Congratulations, Pia!!! [red heart emojis],” komento ng aktres na si Iza Calzado.

Sey naman ng isa pang aktres na si Chyna Ortaleza, “Yes! I will get a copy! [red heart emoji] Congratulations… @piawurtzbach”

Kung matatandaan, taong 2020 pa nang huling nagkaroon ng update si Pia patungkol sa ginagawa niyang libro.

Kwento pa nga niya noon na dito niya ibinuhos ang kanyang oras habang hindi makalabas dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang ilalabas niyang libro ay tungkol sa kanyang journey upang makamit ang kanyang mga pangarap, kabilang na ang ilan sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.

“It’s about a girl’s journey towards making her dream come true and the different roadblocks she has to overcome to get there,” caption niya sa dating IG post.

Dagdag pa niya, “I can promise you that it’s funny, it’s juicy and some parts sound familiar.”

Taong 2019 nang pumirma ng book deal si Pia with ABS-CBN Publishing.

Related Chika:

Nadine Lustre ibinandera ang ‘childhood memories’ sa first-ever vlog: All of this had to happen for me to become this person

Read more...