KINATUWAAN sa social media ang walang kaarte-arteng pagkain ng tusok-tusok sa kalsada ng fashion icon at socialite na si Heart Evangelista.
Sa Instagram, ibinandera ni Heart ang ilang litrato habang siya’y nasa Sorsogon.
Makikita na nakipagsapalaran talaga siya upang makakain ng ilang street food katulad ng fishball, kwek kwek at kikiam, habang pak na pak ang kanyang OOTD.
Caption pa niya sa post, “Rempeolas , Sorsogon [white heart emoji] Tusok tusok the fishballs [dango emojis].”
Dahil diyan sa post, maraming kwelang comments ang nagsilabasan mula sa libo-libong netizens na ayon sa marami ay sinampal nanaman sila ng kahirapan.
“Parang naging 350 per piece ‘yung fishball ‘nung hinawakan ni Heart.”
“Yung fishball hawak mo pero may diamonds ka sa daliri. Sinampal nanaman kami ng kahirapan! [grinning face with sweat emoji]”
“‘Yung looks ng fishball ay 1k each sa post na ‘to lol @iamhearte [laughing face, red heart emojis]”
“Pati sa pagfi-fishball nasampal ng kahirapan [happy face emoji] sinong nagfi-fishball with dior bag?”
May iilan din na lubos na pinuri ang fashion influencer dahil ang ganitong klaseng post ay makakatulong daw para ma-promote ang street vendors ng bansa.
“Love this fishball moment. You will never know how impactful and helpful this posting will be for the vendors. Keep posting them my dear. LOVE!”
“This is what you call duality at its finest. She can be the queen of fashion weeks but whenever she’s back home she never forgets the basic things in life that makes her happy. Appreciating simplicity even if she has seen immense grandeur. Rich yet humble to the core [heart emojis]”
“I love it. You will uplift the little economy of the fishball vendors. Keep it up!”
“‘Yan si Heart, kaya like ko siya kasi kahit mayaman na nakain pa din ng street foods.”
Related Chika:
Julia binatikos dahil sa ‘street food’ challenge: Ganda sana kaya lang…