‘It’s Showtime’ iimbestigahan ng MTRCB matapos ireklamo ang pagkain ng icing nina Vice at Ion, bastos at ‘indecent act’ daw

'It's Showtime' ipinatawag ng MTRCB matapos ireklamo ang pagkain ng icing nina Vice at Ion, bastos at 'indecent act' nga ba?

Rendon Labador, Vice Ganda at Ion Perez

PINAKINGGAN ng pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang reklamo at panawagan ng mga manonood hinggil sa isang episode ng “It’s Showtime“.

Ito yung isyu tungkol sa ginawang kulitan ng mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na “Isip Bata” kung saan ipinakita nila kung paano sila kumain ng icing ng cake.

Maraming na-offend at nabastusan sa nasabing eksena lalo na sa ginawa ni Ion na isinubo ang daliri na may may icing at napapikit pa na tila sarap na sarap sa kanyang kinain.

Isa sa mga matapang na naglabas ng kanyang saloobin about this ay ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador na tinawag pang “kahayupan” ang naturang eksena on national television.


Sa Facebook video, sinita rin ni Rendon maging ang ABS-CBN at MTRCB dahil sa pagkunsinti umano sa dalawa.

“Gusto ko lang pong magsalita tungkol dito sa kahayupang pinaggagagawa ni Vice Ganda at Ion Perez sa national TV. Wala naman akong pakialam sa kabaklaan n’yong dalawa. I respect and support LGBTQ community. Nirerespeto po natin ‘yan.

“Ang hindi ko lang po maintindihan ay kung bakit kailangan ninyong gawin, ipakita ‘yung kahayupan ninyo sa national TV at ang pinakamalala, sa harap pa ng mga bata, sa show ng mga bata, noon-time show na pinapanood ng lahat.

“Bakit? Anong rason? Hindi ba kayo makapagpigil o tanga lang kayo? Hindi n’yo ba alam na may lugar para d’yan.

“Vice Ganda lumalaki na ba ang ulo mo? Puro ka kabastusan e. Okay lang na ipakita mo ‘yung appreciation mo kay Ion. Okay  lang ‘yun, no question doon. Alam na namin ‘yan, hindi mo kailangang magpakita ng kabastusan diyan sa TV.

“Huwag naman sa show ng mga bata. Vice Ganda, kung may natitira pa sa iyong utak, umayos ka. ‘Yung lang ang gusto kong mangyari. Hindi ko kasi pwedeng i-tolerate ‘yan,” litanya ni Rendon.

Hirit pa niya, “Meron pa bang MTRCB? Nasaan na kayo? Meron pa ba noon? Kasi kung wala na, tanggalin n’yo na ‘yan. Or kung meron, ang tanong ko, mga tanga ba ‘yung nandyan? Ba’t hindi n’yo masita? Bakit hindi ninyo mabigyan ng warning? Hindi n’yo man lang maitama.”

Ngayong araw, naglabas ng official statement ang MTRCB hinggil sa isyu sa pamamagitan ng kanilang official FB account. Narito ang nakasaad.

“It’s Showtime ipinatawag upang tumestigo sa 31 July 2023.


“Nag-issue ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa Producers ng noontime variety show ‘It’s Showtime’ bunsod ng patong patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng diumano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa ‘Isip Bata’ segment ng show na ipinalabas noong ika-25 ng Hulyo 2023 sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11.

“Ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986. Naka schedule ang paglilitis sa ika-31 ng Hulyo 2023, sa ganap na Alas-diyes ng umaga sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City,” pahayag ng MTRCB.

“We assure the Public that the MTRCB acts timely on any complaint(s), big or small, without any distinction, raised before it subject to the observance of due process,” ang nakasulat pa sa FB post ng ahensya ng gobyerno.

Samantala, mabilis na nakarating kay Rendon ang pahayag ng MTRCB. Sa latest post niya ay nakasulat ang, “MTRCB!!! Hindi natin pwedeng itolerate ang kahayupan ni Vice Ganda na lumason sa pag iisip ng mga kabataan.

“Tayo tayo nalang mag walang hiyaan, huwag na huwag ninyo lang idadamay ang mga bata. Tandaan ninyo na ‘Ang kabataan ang pag asa ng bayan.’

“Para sa Pilipinas! Maraming salamat sa pag aksyon MTRCB!!! Kakampi ninyo ako, itama natin ang mga mali  #stayMotivated,” aniya pa.

Alex Gonzaga pinahiran ng icing ni Mikee Morada sa farewell episode ng ‘Tropang LOL’; Billy Crawford nag-alay ng dasal

Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Read more...