Belle Mariano, Barbie Forteza nag-click agad matapos mag-bonding sa dressing room, game na game magsama sa isang project
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Belle Mariano at Barbie Forteza
NAG-CLICK agad ang Kapamilya young actress na si Belle Mariano at ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.
Mula nang magkasama sa unang araw ng pagpapalabas ng ABS-CBN noontime program na “It’s Showtime” sa GTV Channel ng GMA 7, kung saan pareho silang naging special guest ay nagtuluy-tuloy pala ito sa magandang friendship.
“Instant bonding” kung ilarawan ni Belle ang nangyari sa kanila ni Barbie at hinding-hindi raw niya malilimutan ang kabaitan at pagiging totoo nito nang magkachikahan sila kahit sa sandaling panahon lamang.
Nabigyan daw kasi sila ng chance na makapag-bonding sa rehearsal ng “It’s Showtime” para sa kanilang production number. Hindi raw niya in-expect na magkakasundo sila agad.
“She’s super nice. It’s our first time. We met sa rehearsal for dance prod and, nagkasundo kami agad.
“We were in this one dressing room and we were talking about documentaries. Both of us shared that we love watching documentaries on streaming platforms,” sabi ni Belle sa panayam ng Cinema News.
Isa raw pagkakapareho nila ay ang pagkahilig sa panonood ng iba’t ibang klase ng documentaries sa mga streaming apps.
“Natuwa ako ganu’n siya. Nagkwentuhan kami ‘How’s your experience sa ginagawang series. Natutuwa ako nag-jive kami first time mag-meet. Nakahanap ako ng documentary buddy,” sey ni Belle.
After daw ng kanilang guesting sa “It’s Showtime” ay naging chatmate rin sila ni Barbie, “I guess we both relate to anything that relate to documentaries. It was so fun.
“Sabi niya, ‘I’ll message you when I need to watch something.’ Naubusan rin pala siya ng papanoorin,” kuwento pa ni Belle.
Chika pa Belle, napag-usapan din nila ang mga naging experience nila sa kanilang past projects at kung anu-ano ang mga hindi nila malilimutang karanasan sa pagtatrabaho.
“Nag-share kami ng mga experiences with work. Gusto ko maranasan work set up with her. Ganu’n kami ka-warm sa isa’t isa. I’d look forward to that, if ever we’re given a chance,” ani Belle.
Tinanong din ng CinemaNews host na si Bianca Gonzale kung game ba si Belle makasama si Barbie sa isang project. “Of course. I woud love to work with her,” ang agad-agad na sagot ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan.
In fairness, posible na nga itong mangyari dahil bukas na ang GMA 7, ABS-CBN at TV5 sa mga collaborations,
“Pwede naman! Anything talaga pwede nang mangyari ngayon,” sey pa ni Belle na looking forward na nga sa mga susunod na collaborations ng mga TV Network.