Snooky Serna nagbabalik-Kapamilya after 10 years, puring-puri ang 4 na bida sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’: ‘Clap, clap, clap!’

NAGBABALIK bilang Kapamilya ang veteran actress na si Snooky Serna sa pamamagitan ng latest ABS-CBN at TV5 drama series na “Pira-pirasong Paraiso.”

Mahigit isang dekada na nang huling mapanood si Snooky sa Kapamilya Network, yan ay sa 2011 TV series na “Angelito: Batang Ama” at sa sequel nitong “Angelito: Ang Bagong Yugto” noong 2012.

At ngayon nga ay muling mapapanood ang award-winning actress sa latest Dreamscape Entertainment series na “Pira-pirasong Paraiso” na unang collaboration ng ABS-CBN at TV5.

“I’m so thankful na hanggang ngayon ay nandito pa rin ako and I’m thankful to ABS-CBN, channel 5 and of course Dreamscape, sa aming boss, na binigyan nila ako ng tiwala na mapasama sa isang malaking proyekto kagaya ng Pira-pirasong Paraiso.

“Medyo matagal na yung last project. If I remember right, it was yung Angelito yung Batang Ama,” aniya pa.

Bida sa “PPP” bilang mga long-lost sisters sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Elisse Joson, at Loisa Andalio.

At talaga namang hanging-hanga si Snooky sa apat na bida ng serie dahil bukod daw sa magagaling nang umarte ay mga professional din ang mga ito pagdating sa trabaho kaya naman looking forward siya na makasama uli ang apat ng aktres.


“Ang sasabihin ko lang sa inyo, mga anak, clap, clap, clap!” ang sey pa ng seasond actress kina Elisse, Charlie, Alexa at Loisa.

Baka Bet Mo: Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Kasama rin sa “Pira-pirasong Paraiso”  sina Ronnie Alonte, KD Estrada, Sunshine Dizon, Epy Quizon, Art Acuña, Markus Paterson at Argel Saycon. Ito’y mula sa direksyon ni Raymund Ocampo.

Samantala, mainit na sinalubong ng netizens ang “Pira-Pirasong Paraiso” pagkatapos mag-trending ang pilot episode nito last July 25.

Ipinakilala sa unang episode ang mga Abiog, isang pamilya ng mga magnanakaw kasama ang magkapatid na babaeng sina Baby (Loisa) at Hilary (Elisse), na ang tanging pangarap lamang ay makaahon sa hirap.

Lalo silang magsusumikap sa kanilang mga misyon kahit na muntik na silang pumalpak at mabisto ng isang pulis na si Jonaf (Ronnie) at ng mayamang dalagang si Diana (Charlie).

Sa social media, ibinahagi ng netizens ang kanilang papuri sa kahanga-hangang aktingan ng cast at ang mga nakakapigil-hiningang mga eksena na pumukaw sa kanilang mga emosyon. Nakakuha rin ang episode ng 54,547 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube

Sa pagpapatuloy ng kwento, dapat abangan ng mga manonood ang pagpasok ng mga karakter nina Alexa, KD Estrada, at Joseph Marco na magdadagdag ng tensyon sa istorya.

Masasaksihan din ang pagpanggap ni Baby bilang ang nawawalang kapatid ni Diana, at kung paano magiging isyu ito sa mga tao sa kani-kanilang buhay, kabilang dito ang journalist na si Angela (Alexa).

Bakit may mga araw na hindi na makausap ni KD Estrada si Alexa Ilacad?

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Read more...