Joseph Marco kilig na kilig sa kasalang Arjo at Maine: ‘Will always be here for you guys! Ride or die!’

Joseph Marco kilig na kilig sa kasalang Arjo at Maine: 'Will always be here for you guys! Ride or die!'

Maine Mendoza, Arjo Atayde at Joseph Marco

HANGGANG ngayon pala ay napanatili ng mga Kapamilya actor na sina Arjo Atayde at Joseph Marco ang kanilang solid na solid na pagkakaibigan.

Kung hindi kami nagkakamali, unang nagkasama sa trabaho ang dalawa nang gawin nila ang Kapamilya teleserye na “Pure Love” na ipinalabas noong 2014. Nakasama nila rito sina Alex Gonzaga at Yen Santos.

At makalipas nga ang halos isang dekada ay mas naging close pa sina Arjo at Joseph na parang tunay na magkapatid na ang turingan sa isa’t isa.

Kung hindi kami nagkakamali, unang nagkasama sina Joseph at Arjo sa Kapamilya serye na “Pure Love” na ipinalabas noong 2014. Nakasama nila sa show sina Alex Gonzaga at Yen Santos.


Isa nga si Joseph sa mga piling taga-showbiz na inimbita ni Arjo para personal na saksihan ang pagpapakasal nila ni Maine Mendoza na naganap nitong Sabado ng hapon sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City sa Benguet.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Joseph ng litrato nila nina Arjo at Maine at isang video kung saan makikita ang ginawang preparasyon ng groom sa kanyang Big Day.

Baka Bet Mo: Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi

“Thank you for the amazing 10yrs of brotherhood we share,” ang simulang caption ng hunk actor sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, “Watching you meet, fall in love and now marry your perfect person has been one of the greatest blessings of our friendship.

“May the love that has brought you two cement your love forever,” ang mensahe pa niya sa mga kaibigan.


“Congratulations Mr. and Mrs. Atayde! (ring emoji) I hope you’ll still be allowed out for lots of friends catch ups.

“Love you brother @arjoatayde! Will always be here for you guys! Ride or die! May God bless you both,” ang pagbabahagi pa ng binata na ramdam na ramdam ang kilig para sa bagong kasal.

Sa comments section ng IG post ni Joseph, nag-iwan ng komento si Arjo, “No words but much love bro… love you so much seph. Ride or die!  thank you so much for everything bro… thank you.”

Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: ‘Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful…a part of you dies’

Read more...